Filemon 22-24
Magandang Balita Biblia
22 Ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan sapagkat umaasa akong loloobin ng Diyos na ako'y makabalik diyan, gaya ng inyong idinadalangin.
Pangwakas na Pagbati
23 Kinukumusta(A) ka ni Epafras na kasama kong nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus. 24 Kinukumusta(B) ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain.
Read full chapter
Filemon 22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 Ipaghanda mo na rin ako ng matutuluyan, sapagkat umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay maibabalik ako sa inyo.
Pangwakas na Pagbati
23 Binabati (A) ka ni Epafras na kasama kong bilanggo dahil kay Cristo Jesus. 24 Binabati (B) ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas na aking mga kamanggagawa.
Read full chapter
Filemon 22-24
Ang Biblia (1978)
22 Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong (A)sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.
23 Binabati (B)ka ni (C)Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;
24 At gayon din ni (D)Marcos, ni (E)Aristarco, ni (F)Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
