Ezra 7:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At (A)siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa (B)kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya.
7 (C)At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, (D)at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga (E)Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari.
8 At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari.
Read full chapter
Ezra 7:6-8
Ang Biblia, 2001
6 ang Ezrang ito ay umahon mula sa Babilonia. Siya'y isang eskribang dalubhasa sa kautusan ni Moises na ibinigay ng Panginoong Diyos ng Israel. Ipinagkaloob sa kanya ng hari ang lahat niyang hiniling, sapagkat ang Panginoon niyang Diyos ay kasama niya.
7 At umahon din patungo sa Jerusalem sa ikapitong taon ni Artaxerxes na hari, ang ilan sa mga anak ni Israel, at ilan sa mga pari at mga Levita, ang mga mang-aawit at mga tanod sa pinto, at ang mga lingkod sa templo.
8 Siya'y dumating sa Jerusalem nang ikalimang buwan, sa ikapitong taon ng hari.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
