Add parallel Print Page Options

11 At(A) sila'y nag-awitan sa isa't isa na pinupuri at pinapasalamatan ang Panginoon, “Sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman sa Israel.” Ang buong bayan ay sumigaw nang malakas nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagkat ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na.

12 Ngunit marami sa mga pari at mga Levita, at sa mga puno ng mga sambahayan, na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo, ang umiyak nang malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman marami ang sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan.

13 Dahil dito, hindi makilala ng taong-bayan ang kaibahan ng ingay ng sigaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan, sapagkat ang taong-bayan ay sumigaw nang malakas, at ang ingay ay narinig sa malayo.

Read full chapter