Add parallel Print Page Options

Ang tubig na makapagpapagaling.

47 At ibinalik niya ako sa (A)pintuan ng bahay; at, narito, ang (B)tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan (sapagka't ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan); at ang tubig ay umaagos sa ilalim, mula sa dakong kanan ng bahay, sa timugan ng dambana.

Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan (C)ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan (D)sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan.

Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may (E)pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong.

Read full chapter