Ezekiel 45:3-5
Ang Biblia, 2001
3 At sa lugar na ito ay susukat kayo ng isang bahaging ang haba ay dalawampu't limang libong siko at ang luwang ay sampung libong siko. Ito ang magiging lugar ng santuwaryo, ang kabanal-banalang dako.
4 Ito ang magiging banal na bahagi ng lupain; ito'y para sa mga pari na nangangasiwa sa santuwaryo at nagsisilapit sa Panginoon upang maglingkod sa kanya. Ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay at banal na dakong kalalagyan ng santuwaryo.
5 Ang ibang bahagi na dalawampu't limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang luwang ay magiging para sa mga Levita na naglilingkod sa templo, upang maging kanilang pag-aari bilang mga bayan na tatahanan.
Ezekiel 45:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3-4 Ang kalahati ng parte kong lupain na 12 kilometro ang haba at limang kilometro ang luwang ay ibubukod ko para sa mga paring naglilingkod sa akin sa templo. Pagtatayuan ito ng mga bahay nila at ng templo na siyang pinakabanal na lugar. 5 Ang natirang kalahati na 12 kilometro ang haba at 5 kilometro ang luwang ay para sa mga Levita. Sila ang magmamay-ari nito at dito sila maninirahan.[a]
Footnotes
- 45:5 nito … maninirahan: Ganito sa tekstong Septuagint. Sa tekstong Hebreo, ng 20 silid.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
