Add parallel Print Page Options

At iyong sasabihin sa (A)mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,

Sa inyong (B)pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang (C)aking tinapay, (D)ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.

At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y (E)nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.

Read full chapter

Iyong sasabihin sa mapaghimagsik, sa sambahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: O kayong sambahayan ni Israel, tigilan na ninyo ang lahat ninyong mga kasuklamsuklam,

sa inyong pagtanggap ng mga dayuhan na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang makapasok sa aking santuwaryo, na nilalapastangan ang aking bahay, kapag inyong inihahandog ang aking pagkain, ang taba at ang dugo. Sinira ninyo ang aking tipan, ito'y dagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.

Hindi ninyo iningatan ang aking mga banal na bagay; kundi kayo'y naglagay ng mga dayuhan upang mangasiwa sa aking santuwaryo.

Read full chapter
'Ezekiel 44:6-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.