Ezekiel 38:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
38 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,
3 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:
Read full chapter
Ezekiel 38:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Pahayag Laban sa Gog
38 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2 “Anak(A) ng tao, humarap ka sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na pangunahing pinuno ng Rosh, Meshec at Tubal, at magsalita ka ng propesiya laban sa kanya,
3 at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako'y laban sa iyo, O Gog, na pinuno ng Rosh, Meshec at Tubal.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
