Add parallel Print Page Options

Ang hindi tapat na mga pastor ng Israel.

34 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, (A)manghula ka laban sa mga pastor ng Israel, manghula ka, at iyong sabihin sa kanila, sa mga pastor, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa?

Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.

Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi (B)inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan.

At sila'y nangalat (C)dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat.

Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila.

Kaya't kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam, at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang, sapagka't walang pastor, o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa, (D)kundi ang mga pastor ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa;

Kaya't, Oh kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa mga pastor; at (E)aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin (F)ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila.

11 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.

12 Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na (G)araw.

13 At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.

14 Aking pakakanin (H)sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: (I)doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.

15 Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios.

16 Aking hahanapin ang nawala, (J)at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; (K)aking pakakanin sila (L)sa katuwiran.

17 At tungkol sa inyo, Oh aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y humahatol sa gitna ng (M)hayop at hayop, sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake.

18 Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, nguni't inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? at uminom sa malinaw na (N)tubig, nguni't (O)inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi?

19 At tungkol sa aking mga tupa, kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa.

20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa.

21 Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila;

22 Kaya't aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging samsam; at ako'y hahatol sa tupa at tupa.

23 At ako'y maglalagay ng (P)isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y (Q)ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor,

24 At (R)akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay (S)prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita.

Ang tipan ng kapayapaan.

25 At (T)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (U)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (V)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.

26 At aking gagawing (W)mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng (X)ulan ng pagpapala.

27 At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila.

28 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila.

29 At aking pagkakalooban sila ng mga (Y)pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng (Z)kahihiyan sa mga bansa.

30 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios.

31 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

Irresponsible Shepherds

34 And the word of the Lord came to me, saying, “Son of man, prophesy against the shepherds of Israel, prophesy and say to them, ‘Thus says the Lord God to the shepherds: (A)“Woe to the shepherds of Israel who feed themselves! Should not the shepherds feed the flocks? (B)You eat the fat and clothe yourselves with the wool; you (C)slaughter the fatlings, but you do not feed the flock. (D)The weak you have not strengthened, nor have you healed those who were sick, nor bound up the broken, nor brought back what was driven away, nor (E)sought what was lost; but with (F)force and [a]cruelty you have ruled them. (G)So they were (H)scattered because there was no shepherd; (I)and they became food for all the beasts of the field when they were scattered. My sheep (J)wandered through all the mountains, and on every high hill; yes, My flock was scattered over the whole face of the earth, and no one was seeking or searching for them.

‘Therefore, you shepherds, hear the word of the Lord: As I live,” says the Lord God, “surely because My flock became a prey, and My flock (K)became food for every beast of the field, because there was no shepherd, nor did My shepherds search for My flock, (L)but the shepherds fed themselves and did not feed My flock”— therefore, O shepherds, hear the word of the Lord! 10 Thus says the Lord God: “Behold, I am (M)against the shepherds, and (N)I will require My flock at their hand; I will cause them to cease feeding the sheep, and the shepherds shall (O)feed themselves no more; for I will (P)deliver My flock from their mouths, that they may no longer be food for them.”

God, the True Shepherd

11 ‘For thus says the Lord God: “Indeed I Myself will search for My sheep and seek them out. 12 As a (Q)shepherd seeks out his flock on the day he is among his scattered sheep, so will I seek out My sheep and deliver them from all the places where they were scattered on (R)a cloudy and dark day. 13 And (S)I will bring them out from the peoples and gather them from the countries, and will bring them to their own land; I will feed them on the mountains of Israel, [b]in the valleys and in all the inhabited places of the country. 14 (T)I will feed them in good pasture, and their fold shall be on the high mountains of Israel. (U)There they shall lie down in a good fold and feed in rich pasture on the mountains of Israel. 15 I will feed My flock, and I will make them lie down,” says the Lord God. 16 (V)“I will seek what was lost and bring back what was driven away, bind up the broken and strengthen what was sick; but I will destroy (W)the fat and the strong, and feed them (X)in judgment.”

17 ‘And as for you, O My flock, thus says the Lord God: (Y)“Behold, I shall judge between sheep and sheep, between rams and goats. 18 Is it too little for you to have eaten up the good pasture, that you must tread down with your feet the [c]residue of your pasture—and to have drunk of the clear waters, that you must foul the residue with your feet? 19 And as for My flock, they eat what you have trampled with your feet, and they drink what you have fouled with your feet.”

20 ‘Therefore thus says the Lord God to them: (Z)“Behold, I Myself will judge between the fat and the lean sheep. 21 Because you have pushed with side and shoulder, butted all the weak ones with your horns, and scattered them abroad, 22 therefore I will save My flock, and they shall no longer be a prey; and I will judge between sheep and sheep. 23 I will establish one (AA)shepherd over them, and he shall feed them—(AB)My servant David. He shall feed them and be their shepherd. 24 And (AC)I, the Lord, will be their God, and My servant David (AD)a prince among them; I, the Lord, have spoken.

25 (AE)“I will make a covenant of peace with them, and (AF)cause wild beasts to cease from the land; and they (AG)will dwell safely in the wilderness and sleep in the woods. 26 I will make them and the places all around (AH)My hill (AI)a blessing; and I will (AJ)cause showers to come down in their season; there shall be (AK)showers of blessing. 27 Then (AL)the trees of the field shall yield their fruit, and the earth shall yield her increase. They shall be safe in their land; and they shall know that I am the Lord, when I have (AM)broken the bands of their yoke and delivered them from the hand of those who (AN)enslaved them. 28 And they shall no longer be a prey for the nations, nor shall beasts of the land devour them; but (AO)they shall dwell safely, and no one shall make them afraid. 29 I will raise up for them a (AP)garden[d] of renown, and they shall (AQ)no longer be consumed with hunger in the land, (AR)nor bear the shame of the Gentiles anymore. 30 Thus they shall know that (AS)I, the Lord their God, am with them, and they, the house of Israel, are (AT)My people,” says the Lord God.’

31 “You are My (AU)flock, the flock of My pasture; you are men, and I am your God,” says the Lord God.

Footnotes

  1. Ezekiel 34:4 harshness or rigor
  2. Ezekiel 34:13 Or by the streams
  3. Ezekiel 34:18 remainder
  4. Ezekiel 34:29 Lit. planting place