Ezekiel 31:8-10
Ang Dating Biblia (1905)
8 Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan.
9 Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas;
Read full chapter
Ezekiel 31:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga; o may anomang punong kahoy (A)sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan.
9 Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at (B)ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas;
Read full chapter
Ezekiel 31:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Ang(A) mga sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makapantay sa kanya;
ni ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kanyang mga sanga,
at ang mga puno ng kastano ay walang halaga
kapag inihambing sa kanyang mga sanga;
walang anumang punungkahoy sa halamanan ng Diyos
na kagaya niya sa kanyang kagandahan.
9 Pinaganda ko siya
sa karamihan ng kanyang mga sanga,
kaya't lahat ng punungkahoy sa Eden,
na nasa halamanan ng Diyos, ay nainggit sa kanya.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ikaw ay nagpakataas at inilagay niya ang kanyang dulo sa gitna ng mayayabong na sanga, at ang kanyang puso ay nagmataas sa kanyang kataasan,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
