Ezekiel 30
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Magiging Wakas ng Egipto
30 Sinabi sa akin ni Yahweh, 2 “Ezekiel, anak ng tao, magpahayag ka. Sabihin mo sa kanilang ito ang ipinapasabi ko:
Matinding kapighatian sa araw na iyon ang darating,
3 sapagkat malapit na ang araw, ang araw ni Yahweh.
Magdidilim ang ulap sa araw na iyon, araw ng paghuhukom sa lahat ng bansa.
4 Sisiklab ang digmaan sa Egipto.
Maghahari sa Etiopia[a] ang matinding dalamhati
kapag namatay na sa Egipto ang maraming tao,
sasamsamin ang kayamanan ng buong bansa
at iiwanan itong wasak.
5 “Sa digmaang iyon ay mapapatay ang mga upahang kawal ng Etiopia, Libya, Lydia, Arabia, Kub, at ng aking bayan.” 6 Ipinapasabi nga ni Yahweh: “Mapapahamak ang lahat ng tutulong sa Egipto. Ang ipinagmamalaki niyang lakas ay ibabagsak. Mula sa Migdal hanggang Sevene lahat ay kasama niyang pupuksain sa pamamagitan ng tabak. 7 Siya ay magiging pinakamapanglaw sa lahat ng lupain. At ang lunsod niya'y isang pook na wasak na wasak. 8 Kapag ang Egipto ay akin nang tinupok at ang mga kakampi niya ay namatay nang lahat, makikilala nilang ako si Yahweh.
9 “Sa araw na iyon, ang mga tagapagbalita'y isusugo kong sakay ng mga sasakyang-dagat upang bigyang babala ang Etiopia na wala pa ring kabali-balisa. Sila'y paghaharian ng matinding kapighatian dahil sa pagkawasak na sasapitin ng Egipto; ang araw na iyon ay mabilis na dumarating.” 10 Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: “Ang kasaganaan ng Egipto'y wawakasan ko na sa pamamagitan ng Haring Nebucadnezar. 11 Siya at ang malulupit niyang kawal ang susuguin ko upang wasakin ang Egipto. Tabak nila'y ipamumuksa sa buong lupain. Pagdating ng araw na iyon, makikitang naghambalang ang mga bangkay sa buong lupain. 12 Tutuyuin ko ang Ilog Nilo at ipapasakop ang Egipto sa masasama. Wawasakin ng mga kaaway ang buong bansa. Akong si Yahweh ang maysabi nito.” 13 Ipinapasabi ng Panginoong Yahweh: “Dudurugin ko ang mga diyus-diyosan nila. Gayon din ang gagawin ko sa mga rebulto sa Memfis. Wala nang tatayo na pinuno sa Egipto. Takot ang paghahariin ko sa buong lupain. 14 Ang dakong timog ng Egipto ay gagawin kong pook na mapanglaw. Susunugin ko ang Zoan sa hilaga at paparusahan ang punong-lunsod ng Tebez. 15 Ang galit ko'y ibubuhos sa bayan ng Pelusium na tanggulan ng Egipto. Sisirain ko ang kayamanan ng Tebez. 16 Tutupukin ko ang Egipto. Mamamahay ang Pelusium sa matinding pighati. Gigibain ang pader ng Tebez at babaha sa lupain. 17 Ang mga binata ng On at Bubastis ay papatayin sa tabak. Ang mga babae naman ay mabibihag. 18 Ang araw ng Tafnes ay magdidilim sa sandaling wakasan ko ang pananakop ng Egipto, at ang kapangyarihan niya'y putulin ko na. Matatakpan siya ng ulap, at mabibihag ang kanyang mamamayan. 19 Ganyan ang parusang igagawad ko sa Egipto. Akong si Yahweh ay makikilala nilang lahat.”
20 Noong ikapitong araw ng unang buwan ng ikalabing isang taon ng pagkakabihag sa amin, sinabi sa akin ni Yahweh, 21 “Ezekiel, anak ng tao, pipilayin ko ang braso ng hari ng Egipto. Hindi ko ito pagagalingin para hindi na makahawak ng tabak. 22 Ito ang sinasabi ko: Ako'y laban sa hari ng Egipto. Babaliin ko pa ang isa niyang kamay para mabitiwan ang kanyang tabak. 23 Ang mga Egipcio'y pangangalatin ko sa iba't ibang bayan, ipapatapon sa lahat ng panig ng daigdig. 24 Palalakasin ko ang pwersa ng hari ng Babilonia at aalisan ko naman ng kapangyarihan ang hari ng Egipto hanggang sa maging sugatan siya at umuungol na malugmok sa harapan ng hari ng Babilonia. 25 Pahihinain ko ang hari ng Egipto ngunit palalakasin ko naman ang hari ng Babilonia. Kapag itinuro niya sa Egipto ang tabak na ibibigay ko sa kanya, malalaman nilang ako si Yahweh. 26 Pangangalatin ko sa lahat ng bansa ang mga Egipcio at ipapatapon sa iba't ibang dako. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Footnotes
- 4 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
Ezekiel 30
Ang Biblia (1978)
Ang Egipto ay sasakupin ng Babilonia.
30 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!
3 Sapagka't ang kaarawan ay (A)malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.
4 At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; (B)at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak.
5 Ang Etiopia, at ang (C)Phut, at ang Lud, at (D)ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang (E)kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.
7 At sila'y magiging sira (F)sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba.
8 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol.
9 Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating.
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (G)Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.
11 Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, (H)na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain.
12 At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita.
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (I)Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa (J)Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.
14 At (K)aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa (L)Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa (M)No.
15 At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No.
16 At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan.
17 Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag.
18 (N)Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag.
19 Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
20 At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
21 Anak ng tao, (O)aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay.
23 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto (P)sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain.
24 (Q)At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.
25 At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto.
26 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Ezekiel 30
Ang Biblia, 2001
Ang Magiging Wakas ng Ehipto
30 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na sinasabi,
2 “Anak ng tao, magpahayag ka ng propesiya at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Managhoy kayo, ‘Kahabag-habag ang araw na iyon!’
3 Sapagkat ang araw ay malapit na,
ang araw ng Panginoon ay malapit na;
magiging araw iyon ng mga ulap,
panahon ng kapahamakan para sa mga bansa.
4 Ang isang tabak ay darating sa Ehipto,
at ang kahirapan ay darating sa Etiopia,
kapag ang mga patay ay nabubuwal sa Ehipto;
at dinadala nila ang kanyang kayamanan,
at ang kanyang mga pundasyon ay winawasak.
5 Ang Etiopia, Put, Lud, buong Arabia, Libya, at ang mga anak ng lupain na magkakasundo, ay mabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak.
6 “Ganito ang sabi ng Panginoon:
Ang mga tumutulong sa Ehipto ay mabubuwal,
at ang kanyang palalong kapangyarihan ay bababa;
mula sa Migdol hanggang sa Syene
mabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak,
sabi ng Panginoong Diyos.
7 At sila'y mawawasak sa gitna ng mga lupaing wasak;
at ang kanyang mga lunsod ay malalagay sa gitna ng mga lunsod na giba.
8 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon,
kapag ako'y nagpaningas ng apoy sa Ehipto,
at ang lahat ng kanyang mga katulong ay nalipol.
9 “Sa araw na iyon ay lalabas ang mabibilis na mga sugo mula sa harapan ko upang takutin ang hindi naghihinalang mga taga-Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila sa araw ng kapahamakan ng Ehipto; sapagkat narito, ito'y dumarating!
10 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
Akin namang wawakasan ang karamihan ng Ehipto,
sa pamamagitan ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia.
11 Siya at ang kanyang bayang kasama niya, na kakilakilabot sa mga bansa,
ay ipapasok upang gibain ang lupain;
at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa Ehipto,
at pupunuin ng mga patay ang lupain.
12 At aking tutuyuin ang Nilo,
at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng masasamang tao;
at aking sisirain ang lupain at lahat ng naroon,
sa pamamagitan ng kamay ng mga dayuhan;
akong Panginoon ang nagsalita.
13 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
Aking wawasakin ang mga diyus-diyosan,
at aking wawakasan ang mga larawan sa Memfis;
at hindi na magkakaroon pa ng pinuno sa lupain ng Ehipto;
at ako'y maglalagay ng takot sa lupain ng Ehipto.
14 Aking sisirain ang Patros,
at ako'y magsusunog sa Zoan,
at maglalapat ako ng mga hatol sa Tebes.
15 Aking ibubuhos ang aking poot sa Sin,
na tanggulan ng Ehipto,
at aking ititiwalag ang karamihan ng Tebes.
16 At ako'y magpapaningas ng apoy sa Ehipto;
ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian;
at ang Tebes ay mabubutas,
at ang Memfis ay magkakaroon ng mga kahirapan sa araw-araw.
17 Ang mga binata ng On at Pi-beseth ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak;
at ang mga babae ay tutungo sa pagkabihag.
18 Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw,
kapag aking binasag doon ang mga pamatok ng Ehipto,
at ang kanyang palalong kapangyarihan ay magwawakas;
tatakpan siya ng ulap,
at ang kanyang mga anak na babae ay tutungo sa pagkabihag.
19 Ganito ko ilalapat ang mga kahatulan sa Ehipto.
Kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
20 Nang ikapitong araw ng unang buwan ng ikalabing-isang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
21 “Anak ng tao, aking binali ang bisig ni Faraon na hari ng Ehipto; at narito, hindi ito natalian, upang pagalingin ito, ni binalot ng tapal, upang ito ay maging malakas para humawak ng tabak.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ako'y laban kay Faraon na hari ng Ehipto, at aking babaliin ang kanyang mga bisig, ang malakas na bisig at ang nabali; at aking pababagsakin ang tabak mula sa kanyang kamay.
23 Aking pangangalatin ang mga Ehipcio sa gitna ng mga bansa, at pagwawatak-watakin ko sila sa mga lupain.
24 Aking palalakasin ang mga bisig ng hari ng Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kanyang kamay; ngunit aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niya tulad ng taong nasugatan nang malubha.
25 Aking palalakasin ang mga bisig ng hari ng Babilonia, ngunit ang mga bisig ni Faraon ay babagsak, at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Kapag aking inilagay ang aking tabak sa kamay ng hari ng Babilonia, kanyang iuunat ito sa lupain ng Ehipto.
26 At aking pangangalatin ang mga Ehipcio sa gitna ng mga bansa at pagwawatak-watakin sila sa mga lupain. Kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
Ezekiel 30
New International Version
A Lament Over Egypt
30 The word of the Lord came to me: 2 “Son of man, prophesy and say: ‘This is what the Sovereign Lord says:
“‘Wail(A) and say,
“Alas for that day!”
3 For the day is near,(B)
the day of the Lord(C) is near—
a day of clouds,
a time of doom for the nations.
4 A sword will come against Egypt,(D)
and anguish will come upon Cush.[a](E)
When the slain fall in Egypt,
her wealth will be carried away
and her foundations torn down.(F)
5 Cush and Libya,(G) Lydia and all Arabia,(H) Kub and the people(I) of the covenant land will fall by the sword along with Egypt.(J)
6 “‘This is what the Lord says:
“‘The allies of Egypt will fall
and her proud strength will fail.
From Migdol to Aswan(K)
they will fall by the sword within her,
declares the Sovereign Lord.
7 “‘They will be desolate
among desolate lands,
and their cities will lie
among ruined cities.(L)
8 Then they will know that I am the Lord,
when I set fire(M) to Egypt
and all her helpers are crushed.(N)
9 “‘On that day messengers will go out from me in ships to frighten Cush(O) out of her complacency. Anguish(P) will take hold of them on the day of Egypt’s doom, for it is sure to come.(Q)
10 “‘This is what the Sovereign Lord says:
“‘I will put an end to the hordes of Egypt
by the hand of Nebuchadnezzar(R) king of Babylon.(S)
11 He and his army—the most ruthless of nations(T)—
will be brought in to destroy the land.
They will draw their swords against Egypt
and fill the land with the slain.(U)
12 I will dry up(V) the waters of the Nile(W)
and sell the land to an evil nation;
by the hand of foreigners
I will lay waste(X) the land and everything in it.
I the Lord have spoken.
13 “‘This is what the Sovereign Lord says:
“‘I will destroy the idols(Y)
and put an end to the images in Memphis.(Z)
No longer will there be a prince in Egypt,(AA)
and I will spread fear throughout the land.
14 I will lay(AB) waste Upper Egypt,
set fire to Zoan(AC)
and inflict punishment on Thebes.(AD)
15 I will pour out my wrath on Pelusium,
the stronghold of Egypt,
and wipe out the hordes of Thebes.
16 I will set fire(AE) to Egypt;
Pelusium will writhe in agony.
Thebes will be taken by storm;
Memphis(AF) will be in constant distress.
17 The young men of Heliopolis(AG) and Bubastis
will fall by the sword,
and the cities themselves will go into captivity.
18 Dark will be the day at Tahpanhes(AH)
when I break the yoke of Egypt;(AI)
there her proud strength will come to an end.
She will be covered with clouds,
and her villages will go into captivity.(AJ)
19 So I will inflict punishment(AK) on Egypt,
and they will know that I am the Lord.’”
Pharaoh’s Arms Are Broken
20 In the eleventh year, in the first month on the seventh day, the word of the Lord came to me:(AL) 21 “Son of man, I have broken the arm(AM) of Pharaoh(AN) king of Egypt. It has not been bound up to be healed(AO) or put in a splint so that it may become strong enough to hold a sword. 22 Therefore this is what the Sovereign Lord says: I am against Pharaoh king of Egypt.(AP) I will break both his arms, the good arm as well as the broken one, and make the sword fall from his hand.(AQ) 23 I will disperse the Egyptians among the nations and scatter them through the countries.(AR) 24 I will strengthen(AS) the arms of the king of Babylon and put my sword(AT) in his hand, but I will break the arms of Pharaoh, and he will groan(AU) before him like a mortally wounded man. 25 I will strengthen the arms of the king of Babylon, but the arms of Pharaoh will fall limp. Then they will know that I am the Lord, when I put my sword(AV) into the hand of the king of Babylon and he brandishes it against Egypt.(AW) 26 I will disperse the Egyptians among the nations and scatter them through the countries. Then they will know that I am the Lord.(AX)”
Footnotes
- Ezekiel 30:4 That is, the upper Nile region; also in verses 5 and 9
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

