Ezekiel 29
Magandang Balita Biblia
Ang Pahayag Laban sa Egipto
29 Noong(A) ikalabindalawang araw ng ikasampung buwan ng ikasampung taon ng aming pagkakabihag, sinabi sa akin ni Yahweh, 2 “Ezekiel, anak ng tao, harapin mo ang hari ng Egipto. Magpahayag ka laban sa kanya at sa buong Egipto. 3 Sabihin mong ito ang ipinapasabi ko: Ako'y laban sa iyo, hari ng Egipto. Ikaw na malaking buwayang nagbabad sa tubig. Ikaw na nagsasabing ang Ilog Nilo ay iyo pagkat ikaw ang gumawa nito. 4 Kakawitin ko ang panga mo. Kakapit sa kaliskis mo ang mga isdang kasama mo, at iaahon kita sa tubig, kasama ang mga isdang nakakabit sa iyo. 5 Ihahagis kita sa ilang, pati ang mga isdang kasama mo sa batis. Ihahagis ko nga kayo sa gitna ng bukid. At hindi kayo titipunin, ni ililibing. Hahayaan kitang kainin ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid.
6 “Sa(B) gayon, makikilala ng lahat ng Egipcio na ako si Yahweh. Mas mabuti pa ang tambo kaysa tulong na ginawa mo sa Israel. 7 Nabali ito nang kanyang hawakan, at tuluyan siyang napilay. Ikaw ay bumagsak nang sumandal sa iyo ang Israel kaya nabali ang balakang nito. 8 Kaya padadalhan kita ng tabak upang puksain ang mga mamamayan mo't mga hayop. 9 Ang buong Egipto ay matitiwangwang at mawawalan ng kabuluhan. Sa gayon makikilala ninyong ako si Yahweh.
“Sinabi mong iyo ang Ilog Nilo sapagkat ikaw ang gumawa niyon. 10 Dahil diyan, laban ako sa iyo at sa iyong Ilog Nilo. Ititiwangwang ko ang buong Egipto at gagawin kong walang kabuluhan, mula sa Migdal hanggang Sevene at sa mga hangganan sa Etiopia.[a] 11 Sa loob ng apatnapung taon, walang tao o hayop na tutuntong dito ni titira. 12 Gagawin ko itong pinakamapanglaw sa lahat ng lupain at ang mga lunsod ay apatnapung taon kong pananatilihing isang lugar na pinabayaan. Ang mga Egipcio'y pangangalatin ko sa iba't ibang bansa.”
13 Ipinapasabi ni Yahweh: “Pagkaraan ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga Egipcio mula sa lugar na pinagtapunan ko sa kanila. 14 Ibabalik ko sa kanila ang dati nilang kabuhayan, pati ang dati nilang lupain sa katimugan. Doon, sila'y magiging isang mahinang kaharian. 15 Siya'y magiging pinakamahina sa lahat ng kaharian, at kailanma'y hindi siya makahihigit sa iba, pagkat pananatilihin ko silang kakaunti. 16 Hindi na muling aasa sa kanya ang Israel sapagkat maaalala niya na masama ang ginawa niyang paghingi ng tulong sa Egipto. Sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Masasakop ang Egipto
17 Noong unang araw ng unang buwan ng ikadalawampu't pitong taon ng aming pagkakabihag, sinabi ni Yahweh sa akin: 18 “Ezekiel, anak ng tao, ang mga kawal-Babilonia ay pinahirapang mabuti ng hari nilang si Nebucadnezar laban sa Tiro. Nakalbo na silang lahat sa kabubuhat sa ulo ng mga kagamitan at nagkalyo ang kanilang mga balikat sa kapapasan ngunit wala ring napala. 19 Kaya, ipapasakop ko sa kanya ang Egipto upang samsamin ang kayamanan nito bilang sweldo ng kanyang mga kawal. 20 Ibibigay ko sa kanya ang Egipto bilang kabayaran ng kanyang pagod sa paglilingkod niya sa akin. 21 Kapag nangyari na ang mga ito, palalakasin ko ang Israel, at ikaw, Ezekiel, ang gagawin kong tagapagsalita. Papakinggan ka ng lahat at sa gayon, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Footnotes
- Ezekiel 29:10 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
Ezekiel 29
Ang Biblia (1978)
Ang hula laban sa Egipto.
29 Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at (A)laban sa buong Egipto;
3 Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking (B)buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.
4 At (C)kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.
5 At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; (D)ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.
6 At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging (E)tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.
7 Nang kanilang pigilan (F)ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.
9 At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa;
10 Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, (G)at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, (H)mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia.
11 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.
12 At aking gagawing sira ang lupain (I)ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; (J)at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain.
13 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan (K)ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;
14 At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng (L)Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian.
15 Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.
16 At hindi na magiging (M)pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.
17 At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:
18 Anak ng tao, (N)pinapaglilingkod ng mabigat ni (O)Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.
19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (P)aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.
20 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.
21 Sa araw na yao'y (Q)aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang (R)iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Ezekiel 29
New International Version
A Prophecy Against Egypt
Judgment on Pharaoh
29 In the tenth year, in the tenth month on the twelfth day, the word of the Lord came to me:(A) 2 “Son of man, set your face against(B) Pharaoh king of Egypt(C) and prophesy against him and against all Egypt.(D) 3 Speak to him and say: ‘This is what the Sovereign Lord says:
“‘I am against you, Pharaoh(E) king of Egypt,
you great monster(F) lying among your streams.
You say, “The Nile(G) belongs to me;
I made it for myself.”
4 But I will put hooks(H) in your jaws
and make the fish of your streams stick to your scales.
I will pull you out from among your streams,
with all the fish sticking to your scales.(I)
5 I will leave you in the desert,
you and all the fish of your streams.
You will fall on the open field
and not be gathered(J) or picked up.
I will give you as food
to the beasts of the earth and the birds of the sky.(K)
6 Then all who live in Egypt will know that I am the Lord.
“‘You have been a staff of reed(L) for the people of Israel. 7 When they grasped you with their hands, you splintered(M) and you tore open their shoulders; when they leaned on you, you broke and their backs were wrenched.[a](N)
8 “‘Therefore this is what the Sovereign Lord says: I will bring a sword against you and kill both man and beast.(O) 9 Egypt will become a desolate wasteland. Then they will know that I am the Lord.
“‘Because you said, “The Nile(P) is mine; I made it,(Q)” 10 therefore I am against you(R) and against your streams, and I will make the land of Egypt(S) a ruin and a desolate waste(T) from Migdol(U) to Aswan,(V) as far as the border of Cush.[b](W) 11 The foot of neither man nor beast will pass through it; no one will live there for forty years.(X) 12 I will make the land of Egypt desolate(Y) among devastated lands, and her cities will lie desolate forty years among ruined cities. And I will disperse the Egyptians among the nations and scatter them through the countries.(Z)
13 “‘Yet this is what the Sovereign Lord says: At the end of forty years I will gather the Egyptians from the nations where they were scattered. 14 I will bring them back from captivity and return them to Upper Egypt,(AA) the land of their ancestry. There they will be a lowly(AB) kingdom.(AC) 15 It will be the lowliest of kingdoms and will never again exalt itself above the other nations.(AD) I will make it so weak that it will never again rule over the nations. 16 Egypt will no longer be a source of confidence(AE) for the people of Israel but will be a reminder(AF) of their sin in turning to her for help.(AG) Then they will know that I am the Sovereign Lord.(AH)’”
Nebuchadnezzar’s Reward
17 In the twenty-seventh year, in the first month on the first day, the word of the Lord came to me:(AI) 18 “Son of man, Nebuchadnezzar(AJ) king of Babylon drove his army in a hard campaign against Tyre; every head was rubbed bare(AK) and every shoulder made raw.(AL) Yet he and his army got no reward from the campaign he led against Tyre. 19 Therefore this is what the Sovereign Lord says: I am going to give Egypt to Nebuchadnezzar king(AM) of Babylon, and he will carry off its wealth. He will loot and plunder(AN) the land as pay for his army.(AO) 20 I have given him Egypt(AP) as a reward for his efforts because he and his army did it for me, declares the Sovereign Lord.(AQ)
21 “On that day I will make a horn[c](AR) grow for the Israelites, and I will open your mouth(AS) among them. Then they will know that I am the Lord.(AT)”
Footnotes
- Ezekiel 29:7 Syriac (see also Septuagint and Vulgate); Hebrew and you caused their backs to stand
- Ezekiel 29:10 That is, the upper Nile region
- Ezekiel 29:21 Horn here symbolizes strength.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

