Add parallel Print Page Options

46 At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang (A)Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa, siya at ang kaniyang mga anak na babae; at ang (B)iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak.

47 Gayon ma'y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad, o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam, kundi wari napakaliit na bagay, ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad.

48 Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, ang (C)Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa, siya o ang kaniyang mga anak na babae man, na gaya ng iyong ginawa, ng ginawa mo, at ng iyong mga anak na babae.

Read full chapter