Add parallel Print Page Options

Tubig mula sa Bato(A)

17 Sa utos ng Panginoon, umalis ang buong mamamayan ng Israel sa ilang ng Zin at nagpatuloy sa paglalakbay. Nagpalipat-lipat sila ng lugar. Nagkampo sila sa Refidim, pero walang tubig na mainom doon. Kaya nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.”

Sumagot si Moises, “Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? Bakit ninyo sinusubok ang Panginoon?”

Pero uhaw na uhaw ang mga tao roon, kaya patuloy ang pagrereklamo nila kay Moises, “Bakit mo pa kami inilabas ng Egipto? Mamamatay din lang pala kami rito sa uhaw pati ang mga anak at mga hayop namin.”

Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, “O Panginoon, ano po ba ang gagawin ko sa mga taong ito? Halos batuhin na nila ako!”

Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang iyong baston na inihampas mo sa Ilog ng Nilo, at pangunahan mo ang mga tao kasama ng ibang mga tagapamahala ng Israel. Hihintayin kita roon sa may bato sa Horeb.[a] Kapag naroon ka na, paluin mo ang bato, at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga tagapamahala ng Israel. Tinawag ni Moises ang lugar na Masa[b] at Meriba,[c] dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabi, “Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi?”

Natalo ang mga Amalekita

Nang naroon pa ang mga Israelita sa Refidim, sinalakay sila ng mga Amalekita. Sinabi ni Moises kay Josue, “Pumili ka ng ilang tauhan natin at makipaglaban kayo sa mga Amalekita. Tatayo ako bukas sa ibabaw ng burol habang hawak ang baston na iniutos ng Dios na dalhin ko.”

10 Kaya nakipaglaban sina Josue sa mga Amalekita ayon sa iniutos ni Moises, habang sina Moises, Aaron at Hur ay umakyat sa burol. 11 At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo naman ang mga Amalekita. 12 Nang bandang huli, nangalay na ang kamay ni Moises. Kaya kinuha nila Aaron at Hur ang isang bato at pinaupo roon si Moises. Itinaas ni Aaron ang isang kamay ni Moises at ganoon din ang ginawa ni Hur sa isang kamay hanggang sa lumubog ang araw. 13 Kaya natalo nina Josue ang mga Amalekita.

14 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isulat mo ito para hindi makalimutan at ipaalam mo ito kay Josue: Uubusin ko ang lahi ng mga Amalekita.”

15 Gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ang aking Bandila ng Tagumpay.” 16 Sinabi niya, “Dahil sa itinaas ng mga Amalekita ang mga kamao nila sa trono ng Panginoon, patuloy na makikipaglaban sa Amalekita ang Panginoon magpakailanman.”

Footnotes

  1. 17:6 Horeb: o, Bundok ng Sinai.
  2. 17:7 Masa: Ang ibig sabihin, pagsubok.
  3. 17:7 Meriba: Ang ibig sabihin, pagtatalo.

Water from the Rock(A)

17 Then (B)all the congregation of the children of Israel set out on their journey from the Wilderness of (C)Sin, according to the commandment of the Lord, and camped in Rephidim; but there was no water for the people to (D)drink. (E)Therefore the people contended with Moses, and said, “Give us water, that we may drink.”

So Moses said to them, “Why do you contend with me? Why do you (F)tempt the Lord?”

And the people thirsted there for water, and the people (G)complained against Moses, and said, “Why is it you have brought us up out of Egypt, to kill us and our children and our (H)livestock with thirst?”

So Moses (I)cried out to the Lord, saying, “What shall I do with this people? They are almost ready to (J)stone[a] me!”

And the Lord said to Moses, (K)“Go on before the people, and take with you some of the elders of Israel. Also take in your hand your rod with which (L)you struck the river, and go. (M)Behold, I will stand before you there on the rock in Horeb; and you shall strike the rock, and water will come out of it, that the people may drink.”

And Moses did so in the sight of the elders of Israel. So he called the name of the place (N)Massah[b] and [c]Meribah, because of the contention of the children of Israel, and because they [d]tempted the Lord, saying, “Is the Lord among us or not?”

Victory over the Amalekites(O)

(P)Now Amalek came and fought with Israel in Rephidim. And Moses said to Joshua, “Choose us some men and go out, fight with Amalek. Tomorrow I will stand on the top of the hill with (Q)the rod of God in my hand.” 10 So Joshua did as Moses said to him, and fought with Amalek. And Moses, Aaron, and Hur went up to the top of the hill. 11 And so it was, when Moses (R)held up his hand, that Israel prevailed; and when he let down his hand, Amalek prevailed. 12 But Moses’ hands became [e]heavy; so they took a stone and put it under him, and he sat on it. And Aaron and Hur supported his hands, one on one side, and the other on the other side; and his hands were steady until the going down of the sun. 13 So Joshua defeated Amalek and his people with the edge of the sword.

14 Then the Lord said to Moses, (S)“Write this for a memorial in the book and recount it in the hearing of Joshua, that (T)I will utterly blot out the remembrance of Amalek from under heaven.” 15 And Moses built an altar and called its name, [f]The-Lord-Is-My-Banner; 16 for he said, “Because [g]the Lord has (U)sworn: the Lord will have war with Amalek from generation to generation.”

Footnotes

  1. Exodus 17:4 Put me to death by stoning
  2. Exodus 17:7 Lit. Tempted
  3. Exodus 17:7 Lit. Contention
  4. Exodus 17:7 tested
  5. Exodus 17:12 Weary of being held up
  6. Exodus 17:15 Heb. YHWH Nissi
  7. Exodus 17:16 Lit. a hand is upon the throne of the Lord