Add parallel Print Page Options
'Exodo 30 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang dambana ng kamangyan.

30 At gagawa ka ng isang (A)dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.

At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang (B)kornisang ginto sa palibot.

At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang (C)mabuhat.

At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.

At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, (D)sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang (E)inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

Huwag kayong maghahandog ng ibang (F)kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.

10 At si Aaron ay tutubos ng sala (G)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (H)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

Salapi na pangtubos sa kaluluwa.

11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

12 (I)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (J)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (K)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: (L)kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (M)ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinaka handog sa Panginoon.

14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang (N)ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (O)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (P)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

Hugasang tanso.

17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

18 (Q)Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.

19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas (R)doon ng kanilang mga paa:

20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.

21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.

Langis na pangpahid.

22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na (S)mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; (T)at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,

24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang (U)hin:

25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.

26 (V)At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,

27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.

28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.

29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: (W)lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.

30 (X)At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.

32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.

33 (Y)Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, (Z)ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (AA)Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;

35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa (AB)katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;

36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan (AC)na aking pakikipagtagpuan sa iyo: (AD)aariin ninyong kabanalbanalan.

37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.

38 (AE)Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

30 At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin.

Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.

At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.

At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat.

At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto.

At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo.

At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya.

At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi.

Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon.

10 At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.

11 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

12 Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.

13 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon.

14 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon.

15 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.

17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

18 Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.

19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa:

20 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.

21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.

22 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

23 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu,

24 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang hin:

25 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.

26 At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo,

27 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban.

28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.

29 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal.

30 At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

31 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi.

32 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.

33 Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;

35 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;

36 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo: aariin ninyong kabanalbanalan.

37 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon.

38 Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

The Altar of Incense(A)

30 “Make an altar(B) of acacia wood for burning incense.(C) It is to be square, a cubit long and a cubit wide, and two cubits high[a]—its horns(D) of one piece with it. Overlay the top and all the sides and the horns with pure gold, and make a gold molding around it.(E) Make two gold rings(F) for the altar below the molding—two on each of the opposite sides—to hold the poles used to carry it. Make the poles of acacia wood and overlay them with gold.(G) Put the altar in front of the curtain that shields the ark of the covenant law—before the atonement cover(H) that is over the tablets of the covenant law—where I will meet with you.

“Aaron must burn fragrant incense(I) on the altar every morning when he tends the lamps. He must burn incense again when he lights the lamps at twilight so incense will burn regularly before the Lord for the generations to come.(J) Do not offer on this altar any other incense(K) or any burnt offering or grain offering, and do not pour a drink offering on it. 10 Once a year(L) Aaron shall make atonement(M) on its horns. This annual atonement must be made with the blood of the atoning sin offering[b](N) for the generations to come.(O) It is most holy to the Lord.”

Atonement Money

11 Then the Lord said to Moses, 12 “When you take a census(P) of the Israelites to count them, each one must pay the Lord a ransom(Q) for his life at the time he is counted. Then no plague(R) will come on them when you number them. 13 Each one who crosses over to those already counted is to give a half shekel,[c] according to the sanctuary shekel,(S) which weighs twenty gerahs. This half shekel is an offering to the Lord. 14 All who cross over, those twenty years old or more,(T) are to give an offering to the Lord. 15 The rich are not to give more than a half shekel and the poor are not to give less(U) when you make the offering to the Lord to atone for your lives. 16 Receive the atonement(V) money from the Israelites and use it for the service of the tent of meeting.(W) It will be a memorial(X) for the Israelites before the Lord, making atonement for your lives.”

Basin for Washing

17 Then the Lord said to Moses, 18 “Make a bronze basin,(Y) with its bronze stand, for washing. Place it between the tent of meeting and the altar, and put water in it. 19 Aaron and his sons are to wash their hands and feet(Z) with water(AA) from it. 20 Whenever they enter the tent of meeting, they shall wash with water so that they will not die.(AB) Also, when they approach the altar to minister by presenting a food offering to the Lord, 21 they shall wash their hands and feet so that they will not die. This is to be a lasting ordinance(AC) for Aaron and his descendants for the generations to come.”(AD)

Anointing Oil

22 Then the Lord said to Moses, 23 “Take the following fine spices:(AE) 500 shekels[d] of liquid myrrh,(AF) half as much (that is, 250 shekels) of fragrant cinnamon,(AG) 250 shekels[e] of fragrant calamus,(AH) 24 500 shekels(AI) of cassia(AJ)—all according to the sanctuary shekel—and a hin[f] of olive oil. 25 Make these into a sacred anointing oil, a fragrant blend, the work of a perfumer.(AK) It will be the sacred anointing oil.(AL) 26 Then use it to anoint(AM) the tent of meeting, the ark of the covenant law, 27 the table and all its articles, the lampstand and its accessories, the altar of incense, 28 the altar of burnt offering and all its utensils, and the basin with its stand. 29 You shall consecrate them(AN) so they will be most holy, and whatever touches them will be holy.(AO)

30 “Anoint Aaron and his sons and consecrate(AP) them so they may serve me as priests.(AQ) 31 Say to the Israelites, ‘This is to be my sacred anointing oil(AR) for the generations to come.(AS) 32 Do not pour it on anyone else’s body and do not make any other oil using the same formula. It is sacred, and you are to consider it sacred.(AT) 33 Whoever makes perfume like it and puts it on anyone other than a priest must be cut off(AU) from their people.’”

Incense

34 Then the Lord said to Moses, “Take fragrant spices(AV)—gum resin, onycha and galbanum—and pure frankincense, all in equal amounts, 35 and make a fragrant blend of incense,(AW) the work of a perfumer.(AX) It is to be salted and pure and sacred. 36 Grind some of it to powder and place it in front of the ark of the covenant law in the tent of meeting, where I will meet(AY) with you. It shall be most holy(AZ) to you. 37 Do not make any incense with this formula for yourselves; consider it holy(BA) to the Lord. 38 Whoever makes incense like it to enjoy its fragrance must be cut off(BB) from their people.”

Footnotes

  1. Exodus 30:2 That is, about 1 1/2 feet long and wide and 3 feet high or about 45 centimeters long and wide and 90 centimeters high
  2. Exodus 30:10 Or purification offering
  3. Exodus 30:13 That is, about 1/5 ounce or about 5.8 grams; also in verse 15
  4. Exodus 30:23 That is, about 12 1/2 pounds or about 5.8 kilograms; also in verse 24
  5. Exodus 30:23 That is, about 6 1/4 pounds or about 2.9 kilograms
  6. Exodus 30:24 That is, probably about 1 gallon or about 3.8 liters