Exodo 25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Handog para sa Santuwaryo(A)
25 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na maghandog sila ng kaloob sa akin at tanggapin mo ang mga buong pusong inihandog nila. 3 Ito ang kanilang ihahandog: ginto, pilak, tanso; 4 lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula; mga pinong telang lino at hinabing balahibo ng kambing; 5 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya; 6 langis para sa ilawan at pabangong panghalo para sa langis na pampahid at para sa insenso. 7 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mga mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. 8 Ipagpagawa mo ako ng santuwaryo na titirhan kong kasama nila. 9 Ang santuwaryo at ang lahat ng kagamitang ilalagay roon ay gagawin mo ayon sa planong ibibigay ko sa iyo.
Ang Kaban ng Tipan(B)
10 “Gumawa kayo ng isang kaban na yari sa akasya: 1.1 metro ang haba, 0.7 metro ang luwang, at 0.7 metro ang taas. 11 Balutin ninyo ito ng lantay na ginto sa loob at labas, ang mga labi naman ay lagyan ninyo ng muldurang ginto. 12 Gagawa rin kayo ng apat na argolyang ginto na ikakabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila. 13 Gumawa rin kayo ng kahoy na pampasan na yari sa akasya, babalutin din ito ng ginto 14 at isuot ninyo ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid ng kaban upang maging pasanan nito. 15 Huwag ninyong aalisin sa argolya ang mga pasanan. 16 Ang dalawang tapyas na bato ng kasunduang ibibigay ko sa iyo ay ilalagay mo sa kaban.
17 “Gumawa(C) ka ng Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang. 18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, 19 tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. 20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 22 Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.
Ang Mesa ng Tinapay na Handog sa Diyos(D)
23 “Gagawa ka rin ng isang mesang yari sa akasya na 0.9 metro ang haba, 0.5 metro ang lapad, at 0.7 metro ang taas. 24 Balutan mo ito ng purong ginto at paligiran mo ng muldurang ginto. 25 Lagyan mo ang gilid nito ng sinepa na singlapad ng isang palad at paligiran din ng muldurang ginto. 26 Gumawa ka ng apat na argolyang ginto at ikabit mo sa apat na sulok, sa may tapat ng paa nito. 27 Ang mga argolyang pagkakabitan ng mga kahoy na pampasan ay malapit sa sinepa. 28 Gumawa rin kayo ng pampasan na yari sa akasya at babalutin din ito ng ginto. 29 Gumawa rin kayo ng mga kagamitang ginto: plato, tasa, banga at mangkok para sa mga handog na inumin. 30 Ang(E) mga tinapay na handog ninyo sa akin ay ilalagay ninyo sa mesa sa harapan ko.
Ang Lalagyan ng Ilaw(F)
31 “Gumawa kayo ng ilawang yari sa purong ginto. Ang patungan at tagdan nito'y yari sa pinitpit na purong ginto. Ang mga palamuti nitong bulaklak, ang buko at mga talulot ay parang iisang piraso. 32 Lalagyan mo ito ng anim na sanga, tatlo sa magkabila. 33 Bawat sanga'y lagyan mo ng tatlong magagandang bulaklak na parang almendra, may usbong at may talulot. 34 Ang tangkay naman ay lagyan mo rin ng apat na bulaklak na tulad ng nasa sanga. 35 Lalagyan mo ng usbong sa ilalim ng mga sanga, isa sa ilalim ng bawat dalawang sanga. 36 Ang mga usbong, mga sanga, at ang tagdan ng ilawan ay gagawin ninyong isang piraso na gawa sa purong ginto. 37 Gagawa kayo ng pitong ilaw para sa mga patungang ito. Iayos ninyo ito upang ang liwanag nito'y nasa harap ng ilawan. 38 Ang pang-ipit ng mitsa at ang patungan ay dalisay na ginto rin. 39 Sa lahat ng ito ay 35 kilong purong ginto ang gagamitin ninyo. 40 Sundin(G) mong mabuti ang planong ipinakita ko sa iyo sa bundok.
Exodo 25
Ang Biblia (1978)
25 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: (A)ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.
3 At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;
4 At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;
5 At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;
6 (B)Langis sa ilawan, (C)mga espesia sa langis na pangpahid, at (D)sa mabangong pangsuob;
7 Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop (E)sa efod, at sa pektoral.
8 At kanilang igawa ako ng (F)isang santuario; upang ako'y (G)makatahan sa gitna nila.
9 (H)Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.
Ang bilin tungkol sa kaban.
10 (I)At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon.
11 At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot.
12 At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon.
13 At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto.
14 At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
15 (J)Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon.
16 At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng (K)patotoo na aking ibibigay sa iyo.
17 (L)At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon.
18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; (M)na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.
19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.
20 At (N)ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.
21 At (O)iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo.
22 At (P)diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel.
23 (Q)At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon.
24 At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot.
25 At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon.
26 At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
27 Malalapit sa gilid ang mga argolya, (R)sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang.
28 At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon.
29 (S)At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto.
30 At ilalagay mo sa dulang (T)ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.
Ang kandelero.
31 At gagawa ka ng isang (U)kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol:
32 At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon:
33 At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
34 At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
35 At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero.
36 Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto.
37 At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga (V)ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero.
38 At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto.
39 Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito.
40 At ingatan mo, (W)na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok.
Exodus 25
New International Version
Offerings for the Tabernacle(A)
25 The Lord said to Moses, 2 “Tell the Israelites to bring me an offering. You are to receive the offering for me from everyone whose heart prompts(B) them to give. 3 These are the offerings you are to receive from them: gold, silver and bronze; 4 blue, purple and scarlet yarn(C) and fine linen; goat hair; 5 ram skins dyed red and another type of durable leather[a];(D) acacia wood;(E) 6 olive oil(F) for the light; spices for the anointing oil and for the fragrant incense;(G) 7 and onyx stones and other gems to be mounted on the ephod(H) and breastpiece.(I)
8 “Then have them make a sanctuary(J) for me, and I will dwell(K) among them. 9 Make this tabernacle and all its furnishings exactly like the pattern(L) I will show you.
The Ark(M)
10 “Have them make an ark[b](N) of acacia wood—two and a half cubits long, a cubit and a half wide, and a cubit and a half high.[c] 11 Overlay(O) it with pure gold, both inside and out, and make a gold molding around it. 12 Cast four gold rings for it and fasten them to its four feet, with two rings(P) on one side and two rings on the other. 13 Then make poles of acacia wood and overlay them with gold.(Q) 14 Insert the poles(R) into the rings on the sides of the ark to carry it. 15 The poles are to remain in the rings of this ark; they are not to be removed.(S) 16 Then put in the ark the tablets of the covenant law,(T) which I will give you.
17 “Make an atonement cover(U) of pure gold—two and a half cubits long and a cubit and a half wide. 18 And make two cherubim(V) out of hammered gold at the ends of the cover. 19 Make one cherub on one end and the second cherub on the other; make the cherubim of one piece with the cover, at the two ends. 20 The cherubim(W) are to have their wings spread upward, overshadowing(X) the cover with them. The cherubim are to face each other, looking toward the cover. 21 Place the cover on top of the ark(Y) and put in the ark the tablets of the covenant law(Z) that I will give you. 22 There, above the cover between the two cherubim(AA) that are over the ark of the covenant law, I will meet(AB) with you and give you all my commands for the Israelites.(AC)
The Table(AD)
23 “Make a table(AE) of acacia wood—two cubits long, a cubit wide and a cubit and a half high.[d] 24 Overlay it with pure gold and make a gold molding around it. 25 Also make around it a rim a handbreadth[e] wide and put a gold molding on the rim. 26 Make four gold rings for the table and fasten them to the four corners, where the four legs are. 27 The rings are to be close to the rim to hold the poles used in carrying the table. 28 Make the poles of acacia wood, overlay them with gold(AF) and carry the table with them. 29 And make its plates and dishes of pure gold, as well as its pitchers and bowls for the pouring out of offerings.(AG) 30 Put the bread of the Presence(AH) on this table to be before me at all times.
The Lampstand(AI)
31 “Make a lampstand(AJ) of pure gold. Hammer out its base and shaft, and make its flowerlike cups, buds and blossoms of one piece with them. 32 Six branches are to extend from the sides of the lampstand—three on one side and three on the other. 33 Three cups shaped like almond flowers with buds and blossoms are to be on one branch, three on the next branch, and the same for all six branches extending from the lampstand. 34 And on the lampstand there are to be four cups shaped like almond flowers with buds and blossoms. 35 One bud shall be under the first pair of branches extending from the lampstand, a second bud under the second pair, and a third bud under the third pair—six branches in all. 36 The buds and branches shall all be of one piece with the lampstand, hammered out of pure gold.(AK)
37 “Then make its seven lamps(AL) and set them up on it so that they light the space in front of it. 38 Its wick trimmers and trays(AM) are to be of pure gold. 39 A talent[f] of pure gold is to be used for the lampstand and all these accessories. 40 See that you make them according to the pattern(AN) shown you on the mountain.
Footnotes
- Exodus 25:5 Possibly the hides of large aquatic mammals
- Exodus 25:10 That is, a chest
- Exodus 25:10 That is, about 3 3/4 feet long and 2 1/4 feet wide and high or about 1.1 meters long and 68 centimeters wide and high; similarly in verse 17
- Exodus 25:23 That is, about 3 feet long, 1 1/2 feet wide and 2 1/4 feet high or about 90 centimeters long, 45 centimeters wide and 68 centimeters high
- Exodus 25:25 That is, about 3 inches or about 7.5 centimeters
- Exodus 25:39 That is, about 75 pounds or about 34 kilograms
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

