Add parallel Print Page Options

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.

10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit,

11 At humanda sa ikatlong araw: sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai.

Read full chapter