Add parallel Print Page Options

Ang Piging para sa Hari at kay Haman

Lumipas ang tatlong araw mula nang mag-usap sina Ester at Mordecai. Isinuot ni Ester ang kanyang kasuotan bilang reyna at tumayo sa bulwagan ng palasyo, sa tapat ng tirahan ng hari. Nakaupo noon sa trono ang hari, paharap sa pintuan ng palasyo. Nalugod siya nang makita si Ester at itinuro niya rito ang kanyang gintong setro. Lumapit naman si Ester at hinipo ang dulo ng setro.

Read full chapter
'Ester 5:1-2' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang hari at si Aman sa piging ni Esther.

Nangyari nga, (A)nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo (B)sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay.

At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na (C)siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit (D)ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.

Read full chapter

Ang Hari at si Haman sa Handaan ni Esther

Nang ikatlong araw, nagsuot si Esther ng kanyang damit pang-reyna, at tumayo sa pinakaloob na bulwagan ng palasyo ng hari, sa tapat ng tirahan ng hari. Ang hari ay nakaupo sa kanyang trono sa loob ng palasyo, sa tapat ng pasukan ng palasyo.

Nang makita ng hari si Reyna Esther na nakatayo sa bulwagan, nakuha ng reyna ang paglingap ng hari. Kaya't inilawit ng hari kay Esther ang gintong setro na nasa kanyang kamay. At lumapit si Esther at hinipo ang dulo ng setro.

Read full chapter