Add parallel Print Page Options

Nang umabot siya sa pasukan ng palasyo huminto sapagkat hindi pinapayagang pumasok roon ang sinumang nakasuot ng damit-panluksa. Ang mga Judio naman sa bawat lalawigang naabot ng utos ng hari ay nanangis, nagsuot ng damit-panluksa at naglagay ng abo sa ulo.

Lubos na nabahala si Reyna Ester nang malaman niya ang pangyayari mula sa kanyang mga katulong na babae at mga eunuko. Kaya pinadalhan niya ng bihisan si Mordecai, ngunit ayaw nitong tanggapin iyon.

Read full chapter
'Ester 4:2-4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo.

At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng (A)pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo.

At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang (B)mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap.

Read full chapter