Add parallel Print Page Options

16 Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.

Read full chapter

16 (A) Lubos ninyong gamitin ang pagkakataon, sapagkat ang mga araw ay masasama. 17 Kaya't huwag kayong maging mga hangal, sa halip ay unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 Huwag kayong magpakalasing sa alak, na sanhi ng kahalayan, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu.

Read full chapter

16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.

17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (A)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 At (B)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;

Read full chapter

16 making the most of every opportunity,(A) because the days are evil.(B) 17 Therefore do not be foolish, but understand what the Lord’s will is.(C) 18 Do not get drunk on wine,(D) which leads to debauchery. Instead, be filled with the Spirit,(E)

Read full chapter