Efeso 4:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;
Read full chapter
Efeso 4:21-23
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
21 Kung talagang siya'y inyong narinig at kayo'y naturuan tungkol sa kanya, kung paanong nakay Jesus ang katotohanan, 22 nang (A) hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, ang dating uri ng pamumuhay na pinasasama ng mapanlinlang na pagnanasa. 23 Baguhin na ninyo ang diwa ng inyong pag-iisip,
Read full chapter
Efeso 4:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (A)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (B)inyong iwan, (C)tungkol sa (D)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (E)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (F)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978