Efeso 3
Ang Biblia (1978)
3 Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—
2 Kung tunay na inyong narinig (A)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;
3 (B)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (C)sa akin ang hiwaga, (D)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.
4 Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (E)sa hiwaga ni Cristo;
5 Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (F)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;
6 Na ang mga Gentil (G)ay mga tagapagmana, at mga (H)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,
7 (I)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (J)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.
8 Sa akin, na ako (K)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (L)kayamanan ni Cristo;
9 At (M)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (N)na lumalang ng lahat ng mga bagay;
10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (O)mga kapangyarihan (P)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
11 (Q)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:
12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (R)pagpasok (S)na may pagasa sa pamamagitan (T)ng ating pananampalataya sa kaniya.
13 Kaya nga ipinamamanhik ko (U)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (V)na pawang kapurihan ninyo.
14 (W)Dahil dito (X)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,
15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (Y)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,
16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (Z)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (AA)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;
17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (AB)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (AC)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.
18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (AD)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.
20 Ngayon sa makapangyarihang (AE)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (AF)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,
21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978