Print Page Options
'Mangangaral 1 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mangangaral ay nagsasabing ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.

Ang mga salita (A)ng Mangangaral, na anak ni David, (B)hari sa Jerusalem.

(C)Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, (D)lahat ay (E)walang kabuluhan.

(F)Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?

Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; (G)nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.

(H)Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.

(I)Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit.

(J)Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon ma'y hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.

Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: (K)ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.

(L)Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.

10 May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga panahon na una sa atin.

11 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos.

12 (M)Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.

13 (N)At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: (O)mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan.

14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay (P)walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

15 (Q)Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang.

16 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, (R)nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman.

17 (S)At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala.

18 Sapagka't (T)sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.

Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem.

Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan.

Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?

Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.

Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito.

Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit.

Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon may hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.

Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.

Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.

10 May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga panahon na una sa atin.

11 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos.

12 Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.

13 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan.

14 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

15 Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang.

16 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman.

17 At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala.

18 Sapagka't sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan.

Walang Kabuluhan ang Lahat

Ang mga salita ng Mangangaral,[a] na anak ni David, hari sa Jerusalem.

Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral;
    walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan.
Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kanyang pagpapagal,
    na kanyang pinagpapaguran sa ilalim ng araw?
Isang salinlahi ay umaalis, at dumarating ang isang salinlahi naman,
    ngunit ang daigdig ay nananatili magpakailanman.
Sumisikat ang araw, at lumulubog din ang araw,
    at nagmamadali sa dakong kanyang sinisikatan.
Ang hangin ay humihihip sa timog,
    at patungo sa hilaga na nagpapaikut-ikot;
at paikut-ikot na ang hangin ay humahayo,
    at ang hangin ay bumabalik sa iniikutan nito.
Lahat ng mga ilog ay sa dagat nagtutungo,
    ngunit ang dagat ay hindi napupuno;
sa dakong inaagusan ng mga ilog,
    doon ay muli silang umaagos.
Lahat ng mga bagay ay nakakapagod,
    higit sa masasabi ng tao;
ang mata sa pagtingin ay hindi nasisiyahan,
    ni ang tainga sa pakikinig ay walang kabusugan.
Ang nangyari ay siyang mangyayari,
    at ang nagawa na ay siyang gagawin,
    at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.
10 May bagay ba na masasabi tungkol dito,
    “Tingnan mo, ito ay bago”?
Ganyan na iyan,
    sa nauna pa sa ating mga kapanahunan.
11 Ang mga tao noong una ay hindi naaalala,
    ni magkakaroon ng alaala pa man tungkol sa mga tao
    ng mga taong susunod pagkatapos nila.

Ang Karanasan ng Mangangaral

12 Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.

13 Ginamit ko ang aking isipan upang hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat ng ginawa sa silong ng langit. Iyon ay isang malungkot na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng mga tao upang pagkaabalahan.

14 Aking nakita ang lahat ng ginawa sa ilalim ng araw; at tingnan mo, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.

15 Ang baluktot ay hindi matutuwid;
    at ang wala ay hindi mabibilang.

16 Sinabi(A) ko sa aking sarili, “Nagtamo ako ng malaking karunungang higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; at ang isipan ko'y nagtaglay ng malaking karanasan sa karunungan at kaalaman.”

17 At ginamit ko ang aking isipan upang alamin ang karunungan, at alamin ang kaululan at kahangalan. Aking nakita na ito man ay pakikipaghabulan sa hangin.

18 Sapagkat sa maraming karunungan ay maraming kalungkutan,
at siyang nagpaparami ng kaalaman ay nagpaparami ng kalungkutan.

Footnotes

  1. Eclesiastes 1:1 Sa Hebreo ay Qoheleth, isang tagapagturo o tagapamahala ng isang kapulungan .

Walang Kabuluhan ang Lahat

Ito ang sinabi ng mangangaral[a] na anak ni David na hari ng Jerusalem:

Walang kabuluhan! Walang kabuluhan ang lahat! Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito? Lumilipas ang isang henerasyon at napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago. Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog; pabalik-balik lang sa kanyang pinanggalingan. Umiihip ang hangin sa timog at pagkatapos ay iihip naman sa hilaga. Paikot-ikot lang ito at pabalik-balik. Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog. Ang lahat ng itoʼy nakakabagot at ayaw na ngang pag-usapan. Hindi nagsasawa ang mga mata natin sa katitingin at ang mga tainga natin sa pakikinig. Ang mga nangyari noon, nangyayari ulit ngayon. Ang mga ginawa noon, ginagawa ulit ngayon. Walang nangyayaring bago sa mundo. 10 May mga bagay pa ba na masasabi mong bago? Nariyan na iyan noon pa, kahit noong hindi pa tayo ipinapanganak. 11 Hindi na natin naaalala ang mga nangyari noon; ganoon din sa hinaharap, hindi rin ito maaalala ng mga tao sa bandang huli.

Ang Karunungan ng Tao ay Walang Kabuluhan

12 Ako na isang mangangaral ay naging hari ng Israel. Tumira ako sa Jerusalem. 13 Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Dios sa mga tao. 14 Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin. 15 Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid at ang wala ay hindi mo maibibilang.

16 Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.” 17 Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin. 18 Dahil habang nadadagdagan ang kaalaman ko, nadadagdagan din ang aking kalungkutan.

Footnotes

  1. 1:1 mangangaral: o, guro; o, isang matalinong tao.