Font Size
Ecclesiastico 29:8-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 29:8-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Maging Bukas-palad
8 Datapwat kung sa dukha, ika'y maging bukas-palad,
huwag siyang paghintayin sa tulong mong igagawad.
9 Alang-alang sa Kautusan, maralita ay kupkupin,
hanggang hindi nabibigyan, huwag siyang paalisin.
10 Mawala na ang salapi sa kapatid o kaibigan,
huwag lamang amagin o mawala sa taguan.
11 Kayamanan ay gamitin nang ayon sa Batas ng Diyos,
at papakinabangan mo nang higit pa kaysa ginto.
12 Paglilimos ay ituring na malaking kayamanan,
sa lahat ng kasamaan, magsisilbing kaligtasan;
13 maaasahang sa tuwina'y magagamit laban sa kaaway,
nang higit pa sa isang sibat at kalasag na matibay.