Ecclesiastico 28:1-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
28 Ang mapaghiganti ay paghihigantihan din ng Panginoon,
pagkat natatandaan niya ang kasalanan ng bawat tao.
2 Patawarin(A) mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,
at kapag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
3 Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,
kapag tumawag sa Panginoon, walang kakamting awa.
4 Kung hindi siya nahahabag sa kapwa,
paano niya ihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan?
5 Kung siya na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,
sinong magpapatawad sa kanyang mga kasalanan?
Marcos 11:25-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Kapag(A) kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [26 Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama na nasa langit.][a]”
Read full chapterFootnotes
- 26 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 26.