Font Size
Ecclesiastico 21:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 21:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Dinidinig(A) agad ng Panginoon ang daing ng maralita,
at agad na ibinibigay ang katarungan.
6 Landas ng makasalanan ang tinutunton ng ayaw tumanggap ng pangaral,
ngunit ang may paggalang sa Panginoon ay nagsisisi nang buong puso.
7 Bantog sa lahat ng dako ang taong magaling magsalita,
ngunit halata agad siya ng marunong kapag nagkamali.