Font Size
Deuteronomio 9:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 9:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Naghimagsik ang Israel nang Sila'y nasa Sinai
6 “Kaya nga't pakatatandaan ninyo na ibinibigay ni Yahweh ang lupaing ito hindi dahil sa kayo'y matuwid; ang totoo'y lahi kayo ng matitigas ang ulo. 7 Huwag ninyong kalilimutan kung bakit nagalit sa inyo si Yahweh nang kayo'y nasa ilang. Mula nang umalis kayo sa Egipto hanggang ngayon, wala na kayong ginawa kundi magreklamo. 8 Noong kayo'y nasa Sinai,[a] ginalit ninyo nang labis si Yahweh at pupuksain na sana niya kayo noon.
Read full chapterFootnotes
- 8 Sinai: o kaya'y Horeb .