Add parallel Print Page Options

23 Nang(A) suguin kayo ng Panginoon mula sa Kadesh-barnea, na sinasabi, ‘Umakyat kayo at angkinin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo;’ pagkatapos ay naghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Diyos, at hindi ninyo siya pinaniniwalaan, ni pinakinggan ang kanyang tinig.

24 Kayo'y naging mapaghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.

25 “Kaya't ako'y nagpatirapa sa harapan ng Panginoon ng apatnapung araw at apatnapung gabi, sapagkat sinabi ng Panginoon na lilipulin niya kayo.

Read full chapter