Deuteronomio 8:13-15
Magandang Balita Biblia
13 at marami nang alagang hayop, at marami nang naipong pilak at ginto, 14 huwag kayong magmamalaki. Huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin sa bansang Egipto. 15 Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato.
Read full chapter
Deuteronomio 8:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;
14 (A)Ay magmataas ang iyong puso, at (B)iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;
15 Na (C)siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan (D)ng mga makamandag na ahas at (E)mga alakdan, at (F)uhaw na lupa, na walang tubig; (G)na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;
Read full chapter
Deuteronomio 8:13-15
Ang Biblia, 2001
13 at kapag ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami na at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng nasa iyo ay dumami;
14 ay magmataas ang iyong puso, at iyong malimutan ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagkaalipin;
15 na siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na mayroong mga makamandag na ahas at mga alakdan, at tigang na lupa na walang tubig; na siyang nagbigay sa iyo ng tubig mula sa batong kiskisan;
Read full chapter
5 Mosebok 8:13-15
Svenska 1917
13 när dina fäkreatur och din småboskap förökas, och ditt silver och guld förökas, och allt annat du har förökas,
14 då må ditt hjärta icke bliva högmodigt, så att du förgäter HERREN, din Gud, som har fört dig ut ur Egyptens land, ur träldomshuset.
15 och som har lett dig genom den stora och fruktansvärda öknen, bland giftiga ormar och skorpioner, över förtorkad mark, där intet vatten åt dig komma ut ur den hårda klippan,
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
