Add parallel Print Page Options

At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.

Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.

Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor, sapagka't lahat ng mga tao na sumunod kay Baal-peor, ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo.

Nguni't kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa't isa sa inyo sa araw na ito.

Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.

Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.

Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?

At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?

Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;

10 Yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.

11 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.

12 At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.

13 At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.

14 At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin.

15 Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:

16 Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,

17 Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,

18 Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:

19 At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.

20 Nguni't kinuha kayo ng Panginoon, at hinango kayo sa hurnong bakal, sa Egipto, upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang mana, gaya sa araw na ito.

21 Bukod dito'y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon, na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana:

22 Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan: nguni't kayo'y tatawid, at inyong aariin ang mabuting lupaing yaon.

23 Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.

24 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga.

25 Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan:

26 Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo'y lubos na malilipol.

27 At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

28 At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy.

29 Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.

30 Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig.

31 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila.

32 Sapagka't ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito?

33 Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay?

34 O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga tukso, ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?

35 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya.

36 Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig, upang kaniyang turuan ka; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy.

37 At sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan;

38 Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.

39 Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.

40 At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon, na ibinigay sa iyo magpakailan man ng Panginoon mong Dios.

41 Nang magkagayo'y inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;

42 Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya:

43 Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang, sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita; at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita.

44 At ito ang kautusang sinalaysay ni Moises sa harap ng mga anak ni Israel:

45 Ito ang mga patotoo, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa Egipto;

46 Sa dako pa roon ng Jordan, sa libis na nasa tapat ng Beth-peor, sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel, nang sila'y umalis sa Egipto;

47 At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari, at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;

48 Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon, hanggang sa bundok ng Sion (na siya ring Hermon),

49 At ang buong Araba sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan, hanggang sa dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga.

Moses Commands Obedience

“And now, O Israel, listen to (A)the statutes and the rules[a] that I am teaching you, and do them, (B)that you may live, and go in and take possession of the land that the Lord, the God of your fathers, is giving you. (C)You shall not add to the word that I command you, nor take from it, that you may keep the commandments of the Lord your God that I command you. Your eyes have seen what the Lord did (D)at Baal-peor, for the Lord your God destroyed from among you all the men who followed the Baal of Peor. But you who held fast to the Lord your God are all alive today. See, I have taught you statutes and rules, as the Lord my God commanded me, that you should do them in the land that you are entering to take possession of it. (E)Keep them and do them, for (F)that will be your wisdom and your understanding in the sight of the peoples, who, when they hear all these statutes, will say, ‘Surely this great nation is a wise and understanding people.’ For (G)what great nation is there that has (H)a god so near to it as the Lord our God is to us, whenever we call upon him? And what great nation is there, that has statutes and rules so (I)righteous as all this law that I set before you today?

(J)“Only take care, and (K)keep your soul diligently, lest you forget the things that your eyes have seen, and lest they depart from your heart all the days of your life. (L)Make them known to your children and your children's children— 10 how on (M)the day that you stood before the Lord your God at Horeb, the Lord said to me, (N)‘Gather the people to me, that I may let them hear my words, (O)so that they may learn to fear (P)me all the days that they live on the earth, and that they may teach their children so.’ 11 And (Q)you came near and stood at the foot of the mountain, while (R)the mountain burned with fire to the heart of heaven, wrapped in darkness, cloud, and gloom. 12 Then (S)the Lord spoke to you out of the midst of the fire. You heard the sound of words, (T)but saw no form; (U)there was only a voice. 13 (V)And he declared to you his covenant, which he commanded you to perform, that is, (W)the Ten Commandments,[b] (X)and he wrote them on two tablets of stone. 14 And (Y)the Lord commanded me at that time to teach you statutes and rules, that you might do them in the land that you are going over to possess.

Idolatry Forbidden

15 (Z)“Therefore watch yourselves very carefully. Since (AA)you saw no form on the day that the Lord spoke to you at Horeb out of the midst of the fire, 16 beware (AB)lest you act corruptly (AC)by making a carved image for yourselves, in the form of any figure, (AD)the likeness of male or female, 17 the likeness of any animal that is on the earth, the likeness of any winged bird that flies in the air, 18 the likeness of anything that creeps on the ground, the likeness of any fish that is in the water under the earth. 19 And beware lest you raise your eyes to heaven, and when you see (AE)the sun and the moon and the stars, (AF)all the host of heaven, you be drawn away and bow down to them and serve them, things that the Lord your God has allotted to all the peoples under the whole heaven. 20 But the Lord has taken you and (AG)brought you out of the iron furnace, out of Egypt, (AH)to be a people of his own inheritance, as you are this day. 21 Furthermore, (AI)the Lord was angry with me because of you, and he swore that I should not cross the Jordan, and that I should not enter the good land that the Lord your God is giving you for an inheritance. 22 For I must die in this land; (AJ)I must not go over the Jordan. But you shall go over and take possession of (AK)that good land. 23 (AL)Take care, lest you forget the covenant of the Lord your God, which he made with you, and (AM)make a carved image, the form of anything that the Lord your God has forbidden you. 24 For (AN)the Lord your God is a consuming fire, (AO)a jealous God.

25 “When you father children and children's children, and have grown old in the land, (AP)and you act corruptly by making a carved image in the form of anything, and (AQ)by doing what is evil in the sight of the Lord your God, so as to provoke him to anger, 26 I (AR)call heaven and earth to witness against you today, that you will soon utterly perish from the land that you are going over the Jordan to possess. You will not live long in it, but will be utterly destroyed. 27 And the Lord (AS)will scatter you among the peoples, (AT)and you will be left few in number among the nations where the Lord will drive you. 28 And (AU)there you will serve gods of wood and stone, the work of human hands, (AV)that neither see, nor hear, nor eat, nor smell. 29 (AW)But from there you will seek the Lord your God and you will find him, if you search after him with all your heart and with all your soul. 30 When you are in tribulation, and all these things come upon you (AX)in the latter days, you will return to the Lord your God and obey his voice. 31 For the Lord your God is (AY)a merciful God. (AZ)He will not leave you or destroy you or forget the covenant with your fathers that he swore to them.

The Lord Alone Is God

32 “For (BA)ask now of the days that are past, which were before you, since the day that God created man on the earth, and ask from one end of heaven to the other, whether such a great thing as this has ever happened or was ever heard of. 33 (BB)Did any people ever hear the voice of a god speaking out of the midst of the fire, as you have heard, and still live? 34 Or has any god ever attempted to go and take a nation for himself from the midst of another nation, by trials, (BC)by signs, by wonders, and (BD)by war, (BE)by a mighty hand and (BF)an outstretched arm, and by great deeds of terror, all of which the Lord your God did for you in Egypt before your eyes? 35 To you it was shown, (BG)that you might know that the Lord is God; (BH)there is no other besides him. 36 (BI)Out of heaven he let you hear his voice, that he might discipline you. And on earth he let you see his great fire, and (BJ)you heard his words out of the midst of the fire. 37 And because (BK)he loved your fathers and chose their offspring after them[c] and brought you out of Egypt (BL)with his own presence, by his great power, 38 (BM)driving out before you nations greater and mightier than you, to bring you in, to give you their land for an inheritance, as it is this day, 39 know therefore today, and lay it to your heart, that (BN)the Lord is God in heaven above and on the earth beneath; (BO)there is no other. 40 (BP)Therefore you shall keep his statutes and his commandments, which I command you today, (BQ)that it may go well with you and with your children after you, and that you may prolong your days in the land that the Lord your God is giving you for all time.”

Cities of Refuge

41 Then Moses (BR)set apart three cities in the east beyond the Jordan, 42 that (BS)the manslayer might flee there, anyone who kills his neighbor unintentionally, without being at enmity with him in time past; he may flee to one of these cities and save his life: 43 (BT)Bezer in the wilderness on the (BU)tableland for the Reubenites, Ramoth in Gilead for the Gadites, and Golan in Bashan for the Manassites.

Introduction to the Law

44 This is the law that Moses set before the people of Israel. 45 These are the testimonies, the statutes, and the rules, which Moses spoke to the people of Israel when they came out of Egypt, 46 beyond the Jordan (BV)in the valley opposite Beth-peor, in the land of Sihon the king of the Amorites, who lived at Heshbon, (BW)whom Moses and the people of Israel defeated when they came out of Egypt. 47 And they took possession of his land and the land (BX)of Og, the king of Bashan, the two kings of the Amorites, who lived to the east beyond the Jordan; 48 (BY)from Aroer, which is on the edge of the Valley of the Arnon, as far as Mount (BZ)Sirion[d] (that is, (CA)Hermon), 49 together with all the Arabah on the east side of the Jordan as far as (CB)the Sea of the Arabah, under the slopes of Pisgah.

Footnotes

  1. Deuteronomy 4:1 Or just decrees; also verses 5, 8, 14, 45
  2. Deuteronomy 4:13 Hebrew the ten words
  3. Deuteronomy 4:37 Hebrew his offspring after him
  4. Deuteronomy 4:48 Syriac; Hebrew Sion