Print Page Options

na siyang nagsabi tungkol sa kanyang ama at ina,
    ‘Hindi ko siya nakita;’
ni hindi niya kinilala ang kanyang mga kapatid,
    ni kinilala niya ang kanyang sariling mga anak.
Sapagkat kanilang sinunod ang iyong salita,
    at ginaganap ang iyong tipan.
10 Ituturo nila ang iyong batas kay Jacob,
    at ang iyong mga kautusan sa Israel;
sila'y maglalagay ng insenso sa harapan mo,
    at ng buong handog na sinusunog sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kanyang kalakasan,
    at tanggapin mo ang gawa ng kanyang mga kamay;
baliin mo ang mga balakang ng mga naghihimagsik laban sa kanya,
    at ang mga napopoot sa kanya, upang sila'y huwag nang muling bumangon.”

Read full chapter

Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, (A)Hindi ko siya nakita;
(B)Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid,
Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak;
Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita,
At ginaganap ang iyong tipan.
10 (C)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(D)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (E)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.

Read full chapter

Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, Hindi ko siya nakita; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid, Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak; Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita, At ginaganap ang iyong tipan.

10 Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan, At ng iyong mga kautusan, sa Israel; Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.

11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik, At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya, At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.

Read full chapter

Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak.
Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.
10 Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin,
at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.
11 O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at sanaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa.
Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway upang hindi na sila makabangon pa.”

Read full chapter
'Deuteronomio 33:9-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.