Add parallel Print Page Options

23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,

Oh (A)Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
(B)Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.

24 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi,

(C)Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser,
Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid,
At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.

Read full chapter