Deuteronomio 32:43-45
Ang Biblia (1978)
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan;
Sapagka't (A)ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod,
At (B)manghihiganti sa kaniyang mga kaalit,
At (C)patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.
44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.
45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 32:44 O Oseas.
Deuteronomio 32:43-45
Ang Dating Biblia (1905)
43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.
44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue na anak ni Nun.
45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:
Read full chapter
Deuteronomio 32:43-46
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
43 Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng Panginoon.[a]
Sapagkat gaganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod.
Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.
44 Ito nga ang inawit ni Moises kasama si Josue sa harapan ng mga Israelita. 45-46 Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi ni Moises sa mga tao, “Itanim ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng sinasabi ko sa inyo sa araw na ito. Ituro rin ninyo ito sa inyong mga anak para matupad nilang mabuti ang lahat ng sinasabi sa mga utos na ito.
Read full chapterFootnotes
- 32:43 purihin … Panginoon: o, mangagalak kayo kasama ng mga mamamayan ng Panginoon. Sa Dead Sea Scrolls at sa tekstong Griego, Mangagalak kayong kasama niya, O langit, at lahat ng mga anghel ng Dios ay dapat sambahin siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
