Deuteronomio 31:9-11
Magandang Balita Biblia
Dapat Basahin ang Kautusan Tuwing Ikapitong Taon
9 Isinulat ni Moises ang mga utos at ibinigay ito sa mga paring tagadala ng Kaban ng Tipan, at sa matatandang namumuno sa bayan. 10 Sinabi(A) niya, “Sa Pista ng mga Tolda tuwing katapusan ng ikapitong taon na siyang taon ng pagpapatawad ng utang, 11 basahin ninyo ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang doo'y sambahin siya.
Read full chapter
Deuteronomio 31:9-11
Ang Biblia (1978)
Ang batas ay ibinigay sa mga saserdote; at inilagay sa tabi ng kaban ng tipan.
9 At isinulat ni Moises ang kautusang ito, (A)at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, (B)na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.
10 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, (C)sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, (D)sa kapistahan ng mga balag,
11 Pagdating ng buong Israel upang (E)pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay (F)iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
