Add parallel Print Page Options

Tulad(A) ng utos sa akin ni Yahweh, nagbalik tayo sa ilang, tungo sa Dagat na Pula.[a] Matagal din tayong naglakbay sa kaburulan ng Seir.

“Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Matagal na rin kayong nagpapaikut-ikot sa kaburulang ito. Ngayon, lumakad na kayo papuntang hilaga. Dadaan(B) kayo sa Seir, ang lupain ng mga kamag-anak ninyo, ang lahi ni Esau. Takot sila sa inyo ngunit mag-ingat pa rin kayo. Huwag ninyo silang kakalabanin sapagkat kapiraso man ng lupain nila'y hindi ko ibibigay sa inyo. Ibinigay ko na sa lahi ni Esau ang kaburulan ng Seir. Bibilhin ninyo ang pagkain at inuming kukunin ninyo sa kanila.’

“Pinagpala kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong ginawa, at hindi niya kayo hiniwalayan sa inyong paglalakbay sa ilang. Sa loob ng apatnapung taon, hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.

“Kaya dumaan lamang tayo sa kanilang lupain at nagpatuloy sa paglalakbay palayo sa Araba, Elat at Ezion-geber. At tayo ay napunta sa ilang ng Moab.

“At(C) sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Huwag rin ninyong guguluhin o sasalakayin ang mga Moabita sapagkat kapiraso man ng lupain nila ay hindi ko ibibigay sa inyo. Ang lupain ng Ar ay ibinigay ko na sa lahi ni Lot.’”

(10 Ang dating nakatira roon ay ang mga Emita. Marami sila at malalaki ring tulad ng mga higante. 11 Tulad ng mga higante, kilala rin sila sa tawag na Refaim, ngunit Emita ang tawag sa kanila ng mga Moabita. 12 Dati, nakatira rin sa Seir ang mga taga-Hor, ngunit pinuksa sila ng mga anak ni Esau, at sila ang nanirahan roon, tulad ng ginawa ng mga Israelita sa lupaing ibinigay sa kanila ni Yahweh.)

13 “‘Ngayon nga'y magpatuloy kayo; tumawid kayo sa batis ng Zared.’ At ganoon nga ang ginawa natin. 14 Tatlumpu't(D) walong taon ang nakalipas mula nang umalis tayo sa Kades-barnea hanggang sa pagtawid natin sa Zared. Tulad ng isinumpa ni Yahweh, walang natira sa mga mandirigma ng salinlahing iyon. 15 Patuloy silang nilabanan ni Yahweh hanggang malipol silang lahat.

16 “Nang wala na ngang natitira sa mga mandirigma ng lahing iyon, 17 sinabi sa akin ni Yahweh, 18 ‘Ngayon ay tumawid kayo sa Ar, sa hangganan ng Moab. 19 Pagdaan(E) ninyo sa lupain ng mga anak ni Ammon, huwag ninyo silang guguluhin o didigmain sapagkat kapiraso man ng lupa nila'y hindi ko ibibigay sa inyo. Ibinigay ko na iyon sa mga anak ni Lot.’”

(20 Ang lupaing iyon ay dating sakop ng mga Refaim, na ang tawag ng mga Ammonita ay Zamzumim. 21 Marami rin sila at malalaking tulad ng mga higante. Ngunit pinuksa sila ni Yahweh; kaya't itinaboy sila ng mga Ammonita upang ang mga ito ang tumira roon. 22 Gayundin ang ginawa ni Yahweh sa lahi ni Esau nang ang mga ito'y magpunta sa Seir; itinaboy niya ang mga taga-Hor at ang lahi ni Esau ang nanirahan roon. 23 Ang mga taga-Awim naman sa Gaza ay itinaboy ng mga taga-Caftor at sila ang tumira roon.)

24 “At doon ay sinabi ni Yahweh, ‘Magpatuloy kayo; tumawid kayo sa Ilog Arnon. Mabibihag ninyo si Sihon, ang hari ng mga Amoreo sa Hesbon, at masasakop ninyo ang kanyang lupain. Kaya't simulan na ninyo ang pagsakop sa lupain niya. 25 Dahil sa gagawin ko ay matatakot sa inyo ang lahat ng bansa sa daigdig. Mabanggit lamang kayo'y manginginig na sila sa takot.’

Nalupig ng Israel si Haring Sihon(F)

26 “At mula sa ilang ng Kedemot, nagpadala ako ng sugo kay Haring Sihon na taga-Hesbon upang mag-alok ng kapayapaan: 27 ‘Makikiraan kami sa iyong lupain. Hindi kami lilihis ng daan. 28 Babayaran namin ang aming kakainin at iinumin. Kung maaari'y paraanin mo lang kami 29 tulad ng ginawa ng mga anak ni Esau sa Seir at ng mga Moabita sa Ar. Makikiraan lamang kami para makarating sa kabila ng Jordan, sa lupaing ibinigay sa amin ni Yahweh, na aming Diyos.’

30 “Ngunit hindi niya ito pinahintulutan. Siya'y pinagmatigas ni Yahweh para matalo natin at makuha ang kanyang lupain na hanggang ngayon ay sakop natin.

31 “At sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ito na ang simula ng pagbagsak ng kaharian ni Haring Sihon sa inyong mga kamay; sakupin na ninyo ang kanyang lupain.’ 32 Sinalakay tayo ni Sihon at ng lahat ng kanyang mga tauhan sa Jahaz. 33 Ngunit siya at ang kanyang mga tauhan ay natalo natin sa tulong ni Yahweh. 34 Nasakop natin ang kanyang mga lunsod; giniba natin ang mga ito at walang itinirang buháy isa man sa mga tagaroon. 35 Ang kanilang mga hayop at ari-arian ay sinamsam natin. 36 Walang lunsod na hindi natin napasok, mula sa Aroer hanggang Gilead; lahat ay nasakop natin sa tulong ni Yahweh. 37 Ngunit hindi natin ginalaw ang lupain ng lahi ni Ammon, ang baybayin ng Ilog Jabok, at ang kaburulan, sapagkat iyon ang kabilin-bilinan ni Yahweh na ating Diyos.

Footnotes

  1. Deuteronomio 2:1 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .

Ang mga Taon sa Ilang

“Pagkatapos,(A) tayo ay naglakbay pabalik sa ilang patungo sa Dagat na Pula, gaya ng sinabi sa akin ng Panginoon; at tayo'y lumigid ng maraming araw sa bundok ng Seir.

At nagsalita ang Panginoon sa akin, na sinasabi,

‘Matagal na ninyong naligid ang bundok na ito; lumiko kayo sa dakong hilaga.

At(B) iutos mo ang ganito sa taong-bayan: Kayo'y daraan sa nasasakupan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na naninirahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo kaya't mag-ingat kayong mabuti.

Huwag kayong makipaglaban sa kanila, sapagkat hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa kanilang lupain, kahit na ang tuntungan ng talampakan ng isang paa, sapagkat ibinigay ko na kay Esau ang bundok ng Seir bilang ari-arian.

Kayo'y bibili ng pagkain sa kanila sa pamamagitan ng salapi upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi upang kayo'y makainom.

Sapagkat pinagpala ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kanyang nalalaman ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; ang Panginoon mong Diyos ay nakasama mo nitong apatnapung taon at ikaw ay di kinulang ng anuman.’

Kaya't tayo'y nagpatuloy palayo sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na nakatira sa Seir, palayo sa daan ng Araba, mula sa Elat at Ezion-geber. “Tayo'y pumihit at dumaan sa ilang ng Moab.

At(C) sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Huwag mong guluhin ang Moab, ni kalabanin sila sa digmaan, sapagkat hindi ko ibibigay ang kanilang lupain sa iyo bilang pag-aari, sapagkat aking ibinigay na pag-aari ang Ar sa mga anak ni Lot.’

10 (Ang mga Emita ay tumira doon noong una, isang bayang malaki at marami, at matataas na gaya ng mga Anakim.

11 Ang mga ito man ay itinuturing na mga Refaim, na gaya ng mga Anakim; ngunit tinatawag silang Emita ng mga Moabita.

12 Ang mga Horita ay nanirahan din sa Seir noong una, ngunit ito ay binawi sa kanila ng mga anak ni Esau at pinuksa sila nang harapan at nanirahang kapalit nila, gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kanyang pag-aari na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)

13 ‘Ngayon, tumindig kayo at tumawid sa batis ng Zared.’ At tayo'y tumawid sa batis ng Zared.

14 Ang(D) panahon mula nang tayo ay lumabas sa Kadesh-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zared ay tatlumpu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mandirigma ay malipol sa gitna ng kampo, gaya ng ipinangako sa kanila ng Panginoon.

15 Talagang ang Panginoon ay laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampo, hanggang sa sila'y nalipol.

16 “Kaya't nang mapuksa at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mandirigma,

17 ay sinabi sa akin ng Panginoon,

18 ‘Ikaw ay daraan sa araw na ito sa hangganan ng Moab sa Ar.

19 Kapag(E) ikaw ay papalapit na sa hangganan ng mga anak ni Ammon, huwag mo silang guluhin ni makipaglaban sa kanila, sapagkat hindi ko ibibigay sa iyo ang lupain ng mga anak ni Ammon yamang ibinigay ko na ito bilang pag-aari ng mga anak ni Lot.’

20 (Iyon ay kilala rin na lupain ng mga Refaim: ang mga Refaim ang nanirahan doon noong una, ngunit sila ay tinawag na mga Zamzumim ng mga Ammonita,

21 isang lunsod na malaki, marami at matataas na gaya ng mga Anakim; ngunit sila ay pinuksa ng Panginoon nang harapan. Sila'y sinamsaman at nanirahang kapalit nila.

22 Gayundin ang kanyang ginawa sa mga anak ni Esau na naninirahan sa Seir, nang kanyang puksain ng harapan ang mga Horita. Sila'y sinamsaman at nanirahang kapalit nila hanggang sa araw na ito.

23 Tungkol naman sa mga Avim na naninirahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ang mga Caftoreo[a] na nagmula sa Caftor,[b] lipulin ninyo sila at manirahang kapalit nila.)

24 ‘Tumindig kayo, at maglakbay. Dumaan kayo sa libis ng Arnon, at ibinigay ko na sa iyong kamay si Sihon na Amoreo, na hari ng Hesbon, at ang kanyang lupain. Pasimulan mong angkinin, at kalabanin mo siya sa digmaan.

25 Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay ang pagkasindak at pagkatakot sa inyo sa mga bayang nasa ilalim ng buong langit, na makakarinig ng balita tungkol sa iyo. Manginginig at mahahapis sila dahil sa iyo.’

Nilupig ng Israel ang Hesbon(F)

26 “Kaya't ako'y nagpadala ng mga sugo mula sa ilang ng Kedemot kay Sihon na hari ng Hesbon na may mga salita ng kapayapaan, na sinasabi,

27 ‘Paraanin mo ako sa iyong lupain. Sa lansangan lamang ako daraan, hindi ako liliko sa kanan ni sa kaliwa.

28 Pagbilhan mo ako ng pagkain kapalit ng salapi, upang makakain ako, at bigyan mo ako ng tubig kapalit ng salapi, upang makainom ako; paraanin mo lamang ako,

29 gaya nang ginawa sa akin ng mga anak ni Esau na naninirahan sa Seir, at ng mga Moabita na naninirahan sa Ar, hanggang makatawid ako sa Jordan, sa lupaing ibinibigay sa amin ng Panginoon naming Diyos.’

30 Ngunit ayaw tayong paraanin ni Sihon na hari ng Hesbon; sapagkat pinapagmatigas ng Panginoon mong Diyos ang kanyang espiritu at kanyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.

31 Sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Pinasimulan ko nang ibigay sa iyo si Sihon at ang kanyang lupain, pasimulan mong kunin upang matirahan ang kanyang lupain.’

32 At dumating si Sihon upang kami ay harapin, siya at ang kanyang buong bayan, upang makipagdigmaan sa Jahaz.

33 Ibinigay siya ng Panginoon nating Diyos sa harapan natin; at ginapi natin siya at ang kanyang mga anak, at ang kanyang buong bayan.

34 At nasakop natin ang lahat ng kanyang mga lunsod nang panahong iyon, at ganap na winasak ang bawat lunsod, mga lalaki, mga babae, at mga bata; wala tayong itinira.

35 Ang mga hayop lamang ang para sa ating sarili, at sinamsaman ang mga lunsod na ating sinakop.

36 Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa lunsod na nasa libis hanggang sa Gilead, ay walang lunsod na napakataas para sa atin. Ang lahat ay ibinigay na sa atin ng Panginoon nating Diyos.

37 Hindi lamang kayo lumapit sa lupain ng mga anak ni Ammon; sa alinmang bahagi sa buong pampang ng ilog Jaboc at sa mga lunsod ng lupaing maburol, at sa lahat na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Diyos.

Footnotes

  1. Deuteronomio 2:23 o Filisteo .
  2. Deuteronomio 2:23 o Crete .
'Deuteronomio 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Wanderings in the Wilderness

Then we turned back and set out toward the wilderness along the route to the Red Sea,[a](A) as the Lord had directed me. For a long time we made our way around the hill country of Seir.(B)

Then the Lord said to me, “You have made your way around this hill country long enough;(C) now turn north. Give the people these orders:(D) ‘You are about to pass through the territory of your relatives the descendants of Esau,(E) who live in Seir.(F) They will be afraid(G) of you, but be very careful. Do not provoke them to war, for I will not give you any of their land, not even enough to put your foot on. I have given Esau the hill country of Seir as his own.(H) You are to pay them in silver for the food you eat and the water you drink.’”

The Lord your God has blessed you in all the work of your hands. He has watched(I) over your journey through this vast wilderness.(J) These forty years(K) the Lord your God has been with you, and you have not lacked anything.(L)

So we went on past our relatives the descendants of Esau, who live in Seir. We turned from(M) the Arabah(N) road, which comes up from Elath and Ezion Geber,(O) and traveled along the desert road of Moab.(P)

Then the Lord said to me, “Do not harass the Moabites or provoke them to war, for I will not give you any part of their land. I have given Ar(Q) to the descendants of Lot(R) as a possession.”

10 (The Emites(S) used to live there—a people strong and numerous, and as tall as the Anakites.(T) 11 Like the Anakites, they too were considered Rephaites,(U) but the Moabites called them Emites. 12 Horites(V) used to live in Seir, but the descendants of Esau drove them out. They destroyed the Horites from before them and settled in their place, just as Israel did(W) in the land the Lord gave them as their possession.)

13 And the Lord said, “Now get up and cross the Zered Valley.(X)” So we crossed the valley.

14 Thirty-eight years(Y) passed from the time we left Kadesh Barnea(Z) until we crossed the Zered Valley. By then, that entire generation(AA) of fighting men had perished from the camp, as the Lord had sworn to them.(AB) 15 The Lord’s hand was against them until he had completely eliminated(AC) them from the camp.

16 Now when the last of these fighting men among the people had died, 17 the Lord said to me, 18 “Today you are to pass by the region of Moab at Ar.(AD) 19 When you come to the Ammonites,(AE) do not harass them or provoke them to war,(AF) for I will not give you possession of any land belonging to the Ammonites. I have given it as a possession to the descendants of Lot.(AG)

20 (That too was considered a land of the Rephaites,(AH) who used to live there; but the Ammonites called them Zamzummites. 21 They were a people strong and numerous, and as tall as the Anakites.(AI) The Lord destroyed them from before the Ammonites, who drove them out and settled in their place. 22 The Lord had done the same for the descendants of Esau, who lived in Seir,(AJ) when he destroyed the Horites from before them. They drove them out and have lived in their place to this day. 23 And as for the Avvites(AK) who lived in villages as far as Gaza,(AL) the Caphtorites(AM) coming out from Caphtor[b](AN) destroyed them and settled in their place.)

Defeat of Sihon King of Heshbon

24 “Set out now and cross the Arnon Gorge.(AO) See, I have given into your hand Sihon the Amorite,(AP) king of Heshbon, and his country. Begin to take possession of it and engage(AQ) him in battle. 25 This very day I will begin to put the terror(AR) and fear(AS) of you on all the nations under heaven. They will hear reports of you and will tremble(AT) and be in anguish because of you.”

26 From the Desert of Kedemoth(AU) I sent messengers to Sihon(AV) king of Heshbon offering peace(AW) and saying, 27 “Let us pass through your country. We will stay on the main road; we will not turn aside to the right or to the left.(AX) 28 Sell us food to eat(AY) and water to drink for their price in silver. Only let us pass through on foot(AZ) 29 as the descendants of Esau, who live in Seir, and the Moabites, who live in Ar, did for us—until we cross the Jordan into the land the Lord our God is giving us.” 30 But Sihon king of Heshbon refused to let us pass through. For the Lord(BA) your God had made his spirit stubborn(BB) and his heart obstinate(BC) in order to give him into your hands,(BD) as he has now done.

31 The Lord said to me, “See, I have begun to deliver Sihon and his country over to you. Now begin to conquer and possess his land.”(BE)

32 When Sihon and all his army came out to meet us in battle(BF) at Jahaz, 33 the Lord our God delivered(BG) him over to us and we struck him down,(BH) together with his sons and his whole army. 34 At that time we took all his towns and completely destroyed[c](BI) them—men, women and children. We left no survivors. 35 But the livestock(BJ) and the plunder(BK) from the towns we had captured we carried off for ourselves. 36 From Aroer(BL) on the rim of the Arnon Gorge, and from the town in the gorge, even as far as Gilead,(BM) not one town was too strong for us. The Lord our God gave(BN) us all of them. 37 But in accordance with the command of the Lord our God,(BO) you did not encroach on any of the land of the Ammonites,(BP) neither the land along the course of the Jabbok(BQ) nor that around the towns in the hills.

Footnotes

  1. Deuteronomy 2:1 Or the Sea of Reeds
  2. Deuteronomy 2:23 That is, Crete
  3. Deuteronomy 2:34 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.