Deuteronomio 17:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
12 Ang taong hindi tatanggap sa desisyon ng hukom o ng pari na naglilingkod sa Panginoon na inyong Dios ay dapat patayin. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa. 13 Kapag narinig ito ng lahat ng tao, matatakot sila at hindi na muling gagawa ng bagay na iyon.
Ang mga Hari
14 “Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios at maangkin na ninyo iyon at doon na kayo manirahan, sasabihin ninyo, ‘Pumili tayo ng hari na mamumuno sa atin katulad ng mga bansa sa palibot natin.’
Read full chapter
Deuteronomio 17:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At (A)ang tao na gumawa ng pagpapalalo, sa di pakikinig sa saserdote (B)na tumatayo upang mangasiwa doon sa harap ng Panginoon mong Dios, o sa hukom, ay papatayin nga ang taong yaon: (C)at iyong aalisin ang kasamaan sa Israel.
13 At maririnig ng buong bayan (D)at matatakot, at di na gagawa pa ng pagpapalalo.
14 Pagka ikaw ay dumating sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at iyong aariin, at iyong tatahanan; at iyong sasabihin, (E)Ako'y maglalagay ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansang nasa palibot ko;
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
