Deuteronomio 16:19-21
Ang Dating Biblia (1905)
19 Huwag kang magliliko ng paghatol; huwag kang tatangi ng mga pagkatao: ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.
20 Susundin mo ang tunay na katuwidtuwiran, upang mabuhay ka at manahin mo ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
21 Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng Panginoon mong Dios, na gagawin mo para sa iyo.
Read full chapter
Deuteronomio 16:19-21
Ang Biblia, 2001
19 Huwag(A) mong babaluktutin ang katarungan; huwag kang magtatangi ng mga tao, ni tatanggap ng suhol; sapagkat ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at inililiko ang mga salita ng matuwid.
20 Tanging ang katarungan at katarungan lamang ang iyong susundin, upang mabuhay ka at magmana ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
21 “Huwag(B) kang magtatanim ng anumang puno tulad ng sagradong poste[a] sa tabi ng dambana na iyong gagawin para sa Panginoon mong Diyos.
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 16:21 Sa Hebreo ay Ashera .
Deuteronomio 16:19-21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
19 Huwag nilang babaluktutin ang hustisya at dapat wala silang pinapaboran sa paghuhukom. Huwag silang tatanggap ng suhol dahil makakabulag ito sa marurunong at matutuwid, at makakaimpluwensya sa desisyon nila. 20 Dapat mangibabaw ang tamang hustisya para mabuhay kayo at makapanirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.
Ang Pagsamba sa Ibang mga Dios-diosan
21 “Huwag kayong magpapatayo ng poste na simbolo ng diosang si Ashera sa tabi ng altar na ginawa ninyo para sa Panginoon na inyong Dios,
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
