Font Size
Deuteronomio 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 “Nang tayo'y nasa Sinai,[a] ganito ang sinabi sa atin ni Yahweh na ating Diyos, ‘Matagal-tagal na rin kayong nakatigil sa bundok na ito. 7 Magpatuloy na kayo ng paglalakbay papunta sa kaburulang tinitirhan ng mga Amoreo at sa mga karatig na lugar sa Araba, sa kaburulan, kapatagan, sa katimugang disyerto at sa baybay-dagat, samakatuwid ang buong lupain ng Canaan at Lebanon hanggang sa Ilog Eufrates. 8 Sakupin ninyo ang lupaing ito na inihanda ko para sa inyo. Iyan ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’”
Read full chapterFootnotes
- 6 Sinai: o kaya'y Horeb .