Daniel 9:27
Magandang Balita Biblia
27 Ang(A) haring ito'y gagawa ng isang matibay na kasunduan sa maraming tao sa loob ng isang linggo.[a] Pagkaraan ng kalahating linggo,[b] papatigilin niya ang paghahandog. Ilalagay niya sa itaas ng Templo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan. Mananatili ito roon hanggang sa wakasan ng Diyos ang naglagay nito.”
Read full chapterFootnotes
- Daniel 9:27 isang linggo: o kaya'y isang panahon na tumatagal ng pitong taon .
- Daniel 9:27 linggo: o kaya'y panahon na tumatagal ng pitong taon .
Daniel 12:11
Magandang Balita Biblia
11 Lilipas(A) ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam.
Read full chapter
Mateo 24:15
Magandang Balita Biblia
Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan(A)
15 “Kapag(B) nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa),
Read full chapter
Marcos 13:14
Magandang Balita Biblia
Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan(A)
14 “Kapag(B) nakita na ninyo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na nasa dakong di dapat kalagyan (unawain ito ng nagbabasa), ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papuntang kabundukan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.