Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain ni Daniel Tungkol sa Tupa at Kambing

Nang ikatlong taon ng paghahari ni Belshazar, muli akong nagkaroon ng pangitain. Sa pangitain ko, nakita kong nakatayo ako sa pampang ng Ilog ng Ulai, sa napapaderang lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam. May nakita akong barakong tupa na nakatayo sa tabi ng ilog. Mayroon itong dalawang mahahabang sungay, pero mas mahaba ang isang sungay nito kaysa sa isa kahit na huli itong tumubo. Nakita kong nanunuwag ito kahit saan mang lugar. Walang ibang hayop na makapigil sa kanya at wala ring makatakas sa kanya. Nagagawa niya ang gusto niyang gawin, kaya naging makapangyarihan siya.

Habang itoʼy tinitingnan ko, biglang dumating ang isang kambing mula sa kanluran. Umikot ito sa buong mundo na hindi sumasayad ang paa sa lupa sa sobrang bilis. Mayroon siyang kakaibang sungay sa gitna ng kanyang mga mata. Sinugod niya nang buong lakas ang tupang may dalawang sungay na nakita kong nakatayo sa pampang ng ilog. Sa matinding galit, hindi niya tinigilan ng pagsuwag ang tupa hanggang sa naputol ang dalawang sungay nito. Hindi na makalaban ang tupa, kaya nabuwal ito at tinapak-tapakan ng kambing. Walang sumaklolo sa kanya. Naging makapangyarihan pa ang kambing. Pero nang nasa sukdulan na ang kapangyarihan niya, nabali ang kanyang sungay. Kapalit nito ay may tumubong apat na pambihirang sungay na nakatutok sa apat na direksyon ng mundo.

Ang isa sa kanila ay tinubuan ng isang maliit na sungay. Naging makapangyarihan itong sungay sa timog at sa silangan hanggang sa magandang lupain ng Israel. 10 Lalo pa siyang naging makapangyarihan hanggang sa kalangitan, at pinabagsak niya sa lupa ang ilang mga nilalang sa langit at mga bituin, at tinapak-tapakan niya ang mga iyon. 11 Itinuring niya ang kanyang sarili na higit na makapangyarihan kaysa sa Pinuno ng mga nilalang sa langit. Pinatigil niya ang araw-araw na paghahandog sa templo ng Dios, at nilapastangan niya ang templo. 12 Sa ginawa niyang iyon, ipinasakop sa kanya ang mga nilalang sa langit at ang araw-araw na paghahandog. Binalewala niya ang katotohanan, at nagtagumpay siya sa kanyang mga ginawa.

13 Narinig kong nag-uusap ang dalawang anghel. Ang isang anghel ay nagtatanong sa isa, “Hanggang kailan kaya tatagal ang mga pangyayaring ito na nasa pangitain? Ang pagpapatigil sa araw-araw na paghahandog, ang paglapastangan sa templo na magiging dahilan para pabayaan ito, at ang pagyurak sa mga nilalang sa langit?” 14 Sumagot ang isa, “Itoʼy mangyayari sa loob ng 2,300 umaga at hapon,[a] at pagkatapos ay lilinisin ang templo.”

Ipinaliwanag ni Gabriel ang Kahulugan ng Pangitain

15 Habang nakatingin ako sa pangitaing iyon at nag-iisip kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang parang tao. 16 Pagkatapos, may narinig akong tinig ng tao mula sa Ilog ng Ulai na nagsabi, “Gabriel, ipaliwanag mo sa kanya ang kahulugan ng pangitain.”

17 Nang lumapit si Gabriel sa akin, nagpatirapa ako sa takot. Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, dapat mong maintindihan na ang iyong pangitain ay tungkol sa katapusan ng panahon.” 18 Habang nakikipag-usap siya sa akin, nawalan ako ng malay at napadapa sa lupa. Pero hinawakan niya ako at ibinangon. 19 Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Dios ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon. 20 Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia. 21 Ang kambing naman ay ang kaharian ng Grecia, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari. 22 Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Grecia nang magkahati-hati ito. Pero ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

23 “Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang kasamaan, maghahari ang isang malupit at tusong hari. 24 Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya.[b] Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Dios. 25 Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin ng walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Pero lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Dios.

26 “Ang pangitaing nakita mo tungkol sa pagpapatigil ng pang-umaga at panghapon[c] na paghahandog ay totoo. Pero huwag mo munang ihayag ito dahil matatagalan pa bago ito maganap.”

27 Pagkatapos noon, akong si Daniel ay nanghina at nagkasakit nang ilang araw. Nang gumaling ako, bumalik ako sa trabaho na ibinigay sa akin ng hari. Pero patuloy ko pa ring iniisip ang pangitaing iyon na hindi ko lubos na maunawaan.

Footnotes

  1. 8:14 2,300 umaga at hapon: Ang 2,300 ay maaaring ang lahat ng handog na pang-umaga at panghapon sa loob ng 1,150 araw. (Tingnan din ang Ezra 3:3 tungkol sa handog na ito.) Ang handog na panghapon ay inihahandog sa paglubog ng araw.
  2. 8:24 pero hindi … sa kanya: o, pero hindi sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan.
  3. 8:26 panghapon: nang palubog na ang araw.
'Daniel 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pangitain ni Daniel na lalaking tupa, lalaking kambing, at maliit na sungay na dumakila.

Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring (A)Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong (B)napakita sa akin nang una.

At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa (C)Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai.

Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.

Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong (D)sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; (E)kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.

At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan.

At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at (F)siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay.

At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.

At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na (G)sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.

10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya (H)ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama (I)ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

13 Nang magkagayo'y narinig ko ang (J)isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?

14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

Ipinaliwanag ni Gabriel ang panaginip ni Daniel.

15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao.

16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng (K)Ulai, na tumatawag at nagsasabi, (L)Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.

17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

18 Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako.

19 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan.

20 (M)Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.

21 (N)At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay (O)siyang unang hari.

22 At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

23 At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.

24 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, (P)nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.

25 At (Q)sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal (R)hindi ng kamay.

26 At ang pangitain (S)sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: (T)nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating.

27 At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at (U)ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa.

Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una.

At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai.

Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.

Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.

At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan.

At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay.

At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.

At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.

10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

13 Nang magkagayo'y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?

14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao.

16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.

17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

18 Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako.

19 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan.

20 Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.

21 At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari.

22 At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

23 At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.

24 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.

25 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay.

26 At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating.

27 At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa.