Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag ng Anghel tungkol sa Huling Panahon

12 “Sa panahong iyon,[a] darating si Micael, ang makapangyarihang pinuno[b] na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Pero ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat.[c] Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman. Pero Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon, may nakita pa akong dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog. Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang linen na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”

Itinaas ng taong nakadamit ng telang linen ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Dios na buhay magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Dios.”

Hindi ko naintindihan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?” Sumagot siya, “Sige na,[d] Daniel, hayaan mo na iyon, dahil ang sagot sa tanong moʼy mananatiling lihim at hindi maaaring sabihin hanggang sa dumating ang katapusan. 10 Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Pero ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.

11 “Lilipas ang 1,290 araw mula sa panahon ng pagpapatigil ng araw-araw na paghahandog at paglalagay ng kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo hanggang sa dumating ang katapusan. 12 Mapalad ang naghihintay at nananatili hanggang sa matapos ang 1,335 araw.

13 “At ikaw Daniel, ipagpatuloy mo ang iyong gawain. Mamamatay ka, pero bubuhayin kang muli sa mga huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala na inihanda para sa iyo.”

Footnotes

  1. 12:1 Sa panahong iyon: Ang huling panahon, ang panahon na mangyayari ang mga sinasabi sa 11:40-45.
  2. 12:1 pinuno: o, anghel.
  3. 12:1 aklat: listahan ng mga taong may buhay na walang hanggan.
  4. 12:9 Sige na: sa literal, Alis na.

12 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.

Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.

At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?

At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?

At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.

10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.

11 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

12 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.

13 Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.

The End Times

12 “At that time Michael,(A) the great prince who protects your people, will arise. There will be a time of distress(B) such as has not happened from the beginning of nations until then. But at that time your people—everyone whose name is found written in the book(C)—will be delivered.(D) Multitudes who sleep in the dust of the earth will awake:(E) some to everlasting life, others to shame and everlasting contempt.(F) Those who are wise[a](G) will shine(H) like the brightness of the heavens, and those who lead many to righteousness,(I) like the stars for ever and ever.(J) But you, Daniel, roll up and seal(K) the words of the scroll until the time of the end.(L) Many will go here and there(M) to increase knowledge.”

Then I, Daniel, looked, and there before me stood two others, one on this bank of the river and one on the opposite bank.(N) One of them said to the man clothed in linen,(O) who was above the waters of the river, “How long will it be before these astonishing things are fulfilled?”(P)

The man clothed in linen, who was above the waters of the river, lifted his right hand(Q) and his left hand toward heaven, and I heard him swear by him who lives forever,(R) saying, “It will be for a time, times and half a time.[b](S) When the power of the holy people(T) has been finally broken, all these things will be completed.(U)

I heard, but I did not understand. So I asked, “My lord, what will the outcome of all this be?”

He replied, “Go your way, Daniel, because the words are rolled up and sealed(V) until the time of the end.(W) 10 Many will be purified, made spotless and refined,(X) but the wicked will continue to be wicked.(Y) None of the wicked will understand, but those who are wise will understand.(Z)

11 “From the time that the daily sacrifice(AA) is abolished and the abomination that causes desolation(AB) is set up, there will be 1,290 days.(AC) 12 Blessed is the one who waits(AD) for and reaches the end of the 1,335 days.(AE)

13 “As for you, go your way till the end.(AF) You will rest,(AG) and then at the end of the days you will rise to receive your allotted inheritance.(AH)

Footnotes

  1. Daniel 12:3 Or who impart wisdom
  2. Daniel 12:7 Or a year, two years and half a year