Daniel 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pangitain ni Daniel sa Pampang ng Ilog ng Tigris
10 Nang ikatlong taon ng paghahari ni Cyrus sa Persia, may ipinahayag na mensahe kay Daniel na tinatawag ding Belteshazar. Totoo ang pahayag at tungkol ito sa malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang pahayag dahil ipinaliwanag ito sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. 2 Ganito ang nangyari ayon kay Daniel:
Nang panahong iyon, tatlong linggo akong nagdalamhati. 3 Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan sa loob ng tatlong linggo.
4 Nang ika-24 na araw ng unang buwan, nakatayo ako sa tabi ng malawak na Ilog ng Tigris. 5 May nakita ako doon na parang tao na nakadamit ng telang linen at may tali sa baywang na puro ginto. 6 Ang katawan niya ay kumikinang na parang mamahaling bato. Ang kanyang mukha ay kumikislap na parang kidlat, at ang kanyang mga mata ay nagliliyab na parang sulo. Ang kanyang mga kamay at mga paa ay kumikinang na parang makinis na tanso, at ang kanyang tinig ay parang ingay ng napakaraming tao.
7 Ako lang talaga ang nakakita ng pangitaing iyon. Hindi iyon nakita ng aking mga kasama, pero nagsipagtago sila dahil sa takot. 8 Kaya naiwan akong nag-iisa at ako lang ang nakakita ng kamangha-manghang pangitaing iyon. Namutla ako at nawalan ng lakas. 9 Narinig kong nagsasalita ang taong iyon. At habang nagsasalita siya, nawalan ako ng malay at nasubsob sa lupa. 10 Hinawakan at tinulungan niya ako habang nanginginig pa ang aking mga kamay at mga tuhod. 11 Sinabi niya, “Daniel, mahal ka ng Dios. Tumayo ka at makinig nang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, dahil isinugo ako ng Dios dito sa iyo.” Pagkasabi niya noon, nanginginig akong tumayo. 12 Sinabi niya sa akin, “Daniel, huwag kang matakot. Sapagkat sa unang araw pa lamang ng iyong pagpapakumbaba sa Dios at sa hangad mong maunawaan ang pangitain, sinagot na ang iyong dalangin. Kaya pumarito ako para dalhin ang kasagutan sa iyong dalangin. 13 Pero hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng 21 araw ay hinadlangan ako ng pinuno[a] ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Micael na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia. 14 Narito ako ngayon para ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”
15 Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita. 16 Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko. 17 Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”
18 Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas. 19 Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Dios, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy nʼyo po ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.” 20 Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno[b] ng Grecia. Pero alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo? 21 Naparito ako para ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Micael lamang, ang pinuno[c] ng Israel.
Footnotes
- 10:13 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Persia.
- 10:20 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Grecia.
- 10:21 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang mabuting anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Israel.
但以理书 10
Chinese New Version (Traditional)
但以理再得示與異象
10 波斯王古列第三年,有一個信息啟示給那稱為伯提沙撒的但以理。這信息是真的,是關於一場大戰爭;但以理明白這信息,了解這異象。
悲哀禁食
2 那時,我但以理悲傷了三個星期。 3 美味的食物我沒有吃,肉和酒沒有入我的口,我也沒有用膏油抹身,整整三個星期。
得天使的安慰
4 正月二十四日,我在底格里斯大河邊的時候, 5 我舉目觀看,看見有一個人身穿細麻衣,腰束烏法純金的帶。 6 他的身像水蒼玉,面貌像閃電的樣子,眼睛像火把,手臂和腿像擦亮的銅那麼閃耀,說話的聲音像群眾喊叫的聲音。 7 獨有我但以理看見這異象,那些和我在一起的人都沒有看見,不過他們卻大大驚慌,逃跑躲藏起來了。 8 因此,只有我一人留下來;我看見了這大異象,就全身無力,臉色大變,一點力氣都沒有。 9 我卻仍聽見他說話的聲音;我一聽見他說話的聲音,就沉睡了,臉伏在地。
10 忽然有一隻手按在我身上,使我用膝和手掌勉強支持著要站起來。 11 他對我說:“大蒙眷愛的但以理啊!你應當留意我要對你說的話。你只管站起來,因為我現在奉差遣到你這裡來。”他和我說這話的時候,我就戰戰兢兢地站起來。 12 他又對我說:“但以理啊!不要懼怕,因為自從你第一天決心要明白這些事,又在你的 神面前謙卑自己,你禱告的話已蒙垂聽了;我就是因你禱告的話而來的。 13 但波斯國的護衛天使攔阻我二十一天;後來有護衛天使長中的一位米迦勒來幫助我,我就留他在那裡(按照《馬索拉文本》,“我就留他在那裡”作“我就被留在那裡”;現參照《七十士譯本》翻譯),和波斯眾王在一起。 14 現在我來是要使你明白日後所要發生在你的同胞身上的事,因為這異象是關於將來許多的年日的。” 15 他和我說這些話的時候,我就臉伏在地,默默無聲。 16 忽然有一位像人的,摸我的嘴唇,我就開口和那站在我面前的交談,說:“我主啊!因著這異象,我非常痛苦,毫無氣力。 17 我主的僕人怎能和我主說話呢?我現在全身無力,沒有氣息。”
18 那位像人的再摸我,使我有力量。 19 他說:“大蒙眷愛的人哪!不要懼怕,願你平安,你要大大剛強。”他和我說話的時候,我就剛強起來;於是我說:“我主請說,因為你剛強了我。” 20 他說:“現在我要回去和波斯的護衛天使作戰;我一離去,希臘的護衛天使就要來。但你知道我為甚麼到你這裡來嗎? 21 我來是要把那記錄在真理書上的事告訴你。除了你們的護衛天使米迦勒之外,沒有一個幫助我,和我一起抵擋他們。”
Daniel 10
Ang Biblia (1978)
Si Daniel ay natakot dahil sa isang lalake na napanaginip.
10 Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y (A)Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain.
2 Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo.
3 Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, (B)ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
4 At nang ikadalawang pu't apat na araw ng unang buwan, palibhasa'y ako'y nasa tabi ng malaking ilog, na siyang (C)Hiddekel.
5 Aking itiningin ang aking mga mata, at tumanaw, at narito, ang isang lalake na (D)nakapanamit ng kayong lino, na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na (E)ginto sa Uphas:
6 Ang kaniyang katawan naman ay (F)gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay (G)gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, (H)at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan.
7 At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon; sapagka't ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig, at sila'y nagsitakas upang magsikubli.
8 Sa gayo'y iniwan akong magisa, at nakakita nitong dakilang pangitain, at nawalan ako ng lakas; sapagka't ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin.
9 Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; (I)at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob.
Inaliw siya ng lalake.
10 At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay.
11 At sinabi niya sa akin, Oh Daniel, ikaw na lalaking minamahal na mainam, unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo, at tumayo kang matuwid; sapagka't sa iyo'y sinugo ako ngayon. At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin, ako'y tumayo na nanginginig.
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (J)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (K)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.
13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (L)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.
14 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga (M)huling araw; (N)sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa.
15 At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito, ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa, at ako'y napipi.
16 At, narito, isang (O)gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay (P)humipo ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoon ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas.
17 Sapagka't paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito? sapagka't tungkol sa akin, ay biglang nawalan ako ng lakas, ni may naiwan mang hininga sa akin.
18 Nang magkagayo'y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao, at kaniyang pinalakas ako.
19 At kaniyang sinabi, (Q)Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, (R)magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
20 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa (S)prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa (T)Grecia ay darating.
21 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng (U)katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si (V)Miguel na inyong prinsipe.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

