Colosas 4:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Dios ng pagkakataon na maihayag ang mensahe tungkol kay Cristo na inilihim noon. Ang pangangaral ko tungkol dito ang dahilan ng pagkabilanggo ko. 4 Ipanalangin nʼyo na maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat.
5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin nʼyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo.
Read full chapter
Colosas 4:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kasabay nito'y ipanalangin din ninyo kami upang magbukas ng pintuan para sa amin ang Diyos, upang aming maipangaral ang salita ni Cristo, na dahil dito'y nabilanggo ako. 4 Ipanalangin ninyo na sa pagsasalita ko ay maipahayag ko ito nang malinaw. 5 Makitungo (A) kayo nang may katalinuhan sa mga tagalabas, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon.
Read full chapter
Colosas 4:3-5
Ang Biblia, 2001
3 At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,
4 upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.
5 Lumakad(A) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.
Read full chapter
Colosas 4:3-5
Ang Dating Biblia (1905)
3 Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako;
4 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
