Add parallel Print Page Options

Ang Bagong Buhay kay Cristo

Kaya't (A) yamang kayo'y muling binuhay na kasama ni Cristo, pakanasain ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Pag-ukulan ninyo ng pansin ang mga bagay na makalangit at hindi ang mga bagay na makalupa, sapagkat kayo'y namatay na, at ang buhay ninyo kay Cristo ay itinatago ng Diyos. Kapag si Cristo na inyong[a] buhay ay nahayag na, kayo ay mahahayag ding kasama niya sa kaluwalhatian.

Kaya't patayin ninyo ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa lupa: ang pakikiapid, kahalayan, kapusukan, masamang pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dahil sa mga ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga suwail na anak.[b] Ganitong mga landas ang tinatahak ninyo noon, nang kayo'y namumuhay pa sa mga ito. Ngunit ngayon ay talikuran ninyo ang mga bagay tulad ng poot, galit, maruruming pag-iisip, paninirang-puri, at mahalay na pananalita mula sa inyong bibig. Huwag (B) kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga gawain nito, 10 at (C) kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na patuloy na ginagawang bago tungo sa kaalaman ayon sa larawan ng lumikha sa bagong pagkatao. 11 Dito'y wala nang pagkakaiba ang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Scita, alipin, at malaya. Sa halip, si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat at nasa lahat!

12 Kaya't bilang (D) mga pinili ng Diyos, mga banal at minamahal, isuot ninyo sa inyong pagkatao ang pagkamahabagin, kabaitan, kababaang-loob, kaamuan, at tiyaga. 13 Magparaya kayo (E) sa isa't isa, at kung ang sinuman ay may sama ng loob sa kanino man, magpatawad kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pag-ibig na siyang nagbubuklod sa lahat sa lubos na pagkakaisa. 15 At hayaan ninyong maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na siyang dahilan kaya't tinawag kayo sa isang katawan. At kayo'y maging mapagpasalamat. 16 Manirahan (F) nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo. Kalakip ang buong karunungan ay turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at ng mga awiting espirituwal, habang umaawit kayo na may pasasalamat sa Diyos sa inyong mga puso. 17 At anuman ang inyong gagawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, kalakip ang pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.

Mga Tagubilin sa mga Pamilyang Cristiano

18 Mga (G) babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawa, na siya namang nararapat sa Panginoon. 19 Mga (H) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila. 20 Mga (I) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y kasiya-siya sa Panginoon. 21 Mga ama, (J) huwag ninyong itulak sa galit ang inyong mga anak upang hindi sila panghinaan ng loob. 22 Mga (K) alipin, sa lahat ng bagay ay sumunod kayo sa inyong mga panginoon dito sa lupa. Buong puso kayong maglingkod; hindi lamang kapag sila'y nakatingin. Gawin ninyo ito nang may takot sa Panginoon upang magbigay-kasiyahan sa tao. 23 Anuman ang inyong gagawin ay buong puso ninyong gawin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao; 24 yamang alam ninyo na tatanggap kayo mula sa Panginoon ng pamana bilang gantimpala. Sa Panginoong Jesu-Cristo kayo naglilingkod. 25 Sapagkat (L) ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng kaukulang ganti sa kasamaang ginawa niya; pantay-pantay ang lahat sa bagay na ito.

Footnotes

  1. Colosas 3:4 Sa ibang mga manuskrito ating.
  2. Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan walang mga suwail na anak.

Living as Those Made Alive in Christ

Since, then, you have been raised with Christ,(A) set your hearts on things above, where Christ is, seated at the right hand of God.(B) Set your minds on things above, not on earthly things.(C) For you died,(D) and your life is now hidden with Christ in God. When Christ, who is your[a] life,(E) appears,(F) then you also will appear with him in glory.(G)

Put to death,(H) therefore, whatever belongs to your earthly nature:(I) sexual immorality,(J) impurity, lust, evil desires and greed,(K) which is idolatry.(L) Because of these, the wrath of God(M) is coming.[b] You used to walk in these ways, in the life you once lived.(N) But now you must also rid yourselves(O) of all such things as these: anger, rage, malice, slander,(P) and filthy language from your lips.(Q) Do not lie to each other,(R) since you have taken off your old self(S) with its practices 10 and have put on the new self,(T) which is being renewed(U) in knowledge in the image of its Creator.(V) 11 Here there is no Gentile or Jew,(W) circumcised or uncircumcised,(X) barbarian, Scythian, slave or free,(Y) but Christ is all,(Z) and is in all.

12 Therefore, as God’s chosen people, holy and dearly loved, clothe yourselves(AA) with compassion, kindness, humility,(AB) gentleness and patience.(AC) 13 Bear with each other(AD) and forgive one another if any of you has a grievance against someone. Forgive as the Lord forgave you.(AE) 14 And over all these virtues put on love,(AF) which binds them all together in perfect unity.(AG)

15 Let the peace of Christ(AH) rule in your hearts, since as members of one body(AI) you were called to peace.(AJ) And be thankful. 16 Let the message of Christ(AK) dwell among you richly as you teach and admonish one another with all wisdom(AL) through psalms,(AM) hymns, and songs from the Spirit, singing to God with gratitude in your hearts.(AN) 17 And whatever you do,(AO) whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks(AP) to God the Father through him.

Instructions for Christian Households(AQ)

18 Wives, submit yourselves to your husbands,(AR) as is fitting in the Lord.

19 Husbands, love your wives and do not be harsh with them.

20 Children, obey your parents in everything, for this pleases the Lord.

21 Fathers,[c] do not embitter your children, or they will become discouraged.

22 Slaves, obey your earthly masters in everything; and do it, not only when their eye is on you and to curry their favor, but with sincerity of heart and reverence for the Lord. 23 Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, 24 since you know that you will receive an inheritance(AS) from the Lord as a reward.(AT) It is the Lord Christ you are serving. 25 Anyone who does wrong will be repaid for their wrongs, and there is no favoritism.(AU)

Footnotes

  1. Colossians 3:4 Some manuscripts our
  2. Colossians 3:6 Some early manuscripts coming on those who are disobedient
  3. Colossians 3:21 Or Parents