Add parallel Print Page Options

13 Magbatahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran kayo sa isa’t isa kapag ang sinuman ay may hinaing sa kaninuman. Kung paanong pinatawad kayo ni Cristo ay gayundin kayo magpa­tawad. 14 Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.

15 Ang kapayapaan ng Diyos ang siyang maghari sa inyong mga puso. Kayo ay tinawag dito sa isang katawan at maging mapagpasalamat kayo.

Read full chapter

13 Magparaya kayo (A) sa isa't isa, at kung ang sinuman ay may sama ng loob sa kanino man, magpatawad kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pag-ibig na siyang nagbubuklod sa lahat sa lubos na pagkakaisa. 15 At hayaan ninyong maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na siyang dahilan kaya't tinawag kayo sa isang katawan. At kayo'y maging mapagpasalamat.

Read full chapter

13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (A)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:

14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (B)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (C)na diya'y tinawag din naman kayo (D)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.

Read full chapter