Print Page Options

Sapagkat ibig kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang aking pakikipagbaka para sa inyo, at sa mga taga-Laodicea, at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin ng mukhaan. Ito ay upang mapalakas ang kanilang mga loob na magkaisa sila sa pag-ibig. At upang magkaroon sila ng lahat ng kayamanan ng lubos na katiyakan ng pang-unawa sa pagkaalam ng hiwaga ng Diyos, at ng Ama at ni Cristo. Sa kaniya natatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman. Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong madaya ng sinuman ng mga salitang kaakit-akit. Ito ay sapagkat kahit ako ay wala riyan sa aking laman, naririyan naman ako sa inyo sa aking espiritu, na nagagalak at nakakakita ng inyong kaayusan at ng katatagan ng inyong pananampalataya kay Cristo.

Kalayaan Mula sa Tuntunin ng Tao sa Pamamagitan ng Buhay kay Cristo

Kaya nga, sa paraang tinanggap ninyo si Cristo bilang Panginoon, mamuhay naman kayong gayon sa kaniya.

Kayo ay nag-ugat ng malalim, at natayo sa kaniya na matatag na nagtutumibay sa pananampalatayang itinuro sa inyo at umaapaw dito na may pasasalamat.

Mag-ingat kayo, na baka bihagin kayo ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at ng walang kabuluhang panlilin­lang, na ayon sa kaugalian ng mga tao, ayon sa mga espiritwal na kapangyarihan ng sanlibutanito at hindi naaayon kay Cristo.

Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos. 10 Kayo ay ganap sa kaniya na siyang pangulo ng lahat ng pamunuan at kapama­halaan. 11 Sa kaniya, kayo ay nasa pagtutuli hindi sa pamama­gitan ng mga kamay, upang hubarin ninyo ang mga kasalanan sa laman, sa pamamagitan ng pagiging nasa pagtutuli na kay Cristo. 12 Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay mulingbinuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.

13 Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14 Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus. 15 Hinubaran na niya ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan. Inilantad niya sila sa madla at inihayag niya ang kaniyang pagtatagumpay sa pamamagitan ng krus.

16 Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat. 17 Ang mga ito ay isang anino lamang ng mga bagay na darating ngunit ang katunayan ay si Cristo. 18 May taong nasisiyahan sa paggawa ng huwad na pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel. Huwag ninyong hayaan ang gayong tao na dayain kayo at hindi ninyo makuha ang inyong gantimpala. Siya ay nagkukunwaring nakakita ng mga bagay na hindi naman niya nakita. Ang kaniyang isipang makalaman ay nagpalaki ng kaniyang ulo nang walang katuturan. 19 Siya ay hindi nanatiling nakaugnay sa tunay na ulo, na kung saan ang buong katawan ay lumalago sa pamamagitan ng paglago na mula sa Diyos. Ito ay sa mga ibinibigay ng mga kasukasuan at ng mga litid na siyang nagpapalusog at nag-uugnay-ugnay sa buong katawan.

20 Kung kayo nga ay namatay na kasama ni Cristo mula sa mgaespiritwal na kapangyarihan ng sanlibutan, bakit kayo, na waring nabubuhay pa sa sanlibutan, ay nagpapasakop pa sa mga batas? 21 Ang mga ito ay: Huwag kang hahawak, huwag kang titikim, huwag kang hihipo. 22 Ang mga batas na ito ay tumutukoy sa mga bagay na masisira, kapag ang mga ito ay ginagamit. Ang mga ito ay ayon sa mga utos at sa mga aral ng mga tao. 23 Ang mga bagay na ito ay waring may karunungan sa kusang pagsamba at huwad na pagpapakumbaba at pagpapahirap ng katawan. Ngunit ang mga ito ay walang kapangyarihan laban sa kalayawan sa laman.

Sapagkat ibig kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang aking pagsisikap alang-alang sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa lahat na hindi pa nakakita sa akin nang mukhaan.

Upang maaliw sana ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakaisa sa pag-ibig, at magkaroon ang lahat ng mga kayamanan ng buong katiyakan ng pagkaunawa, at magkaroon ng kaalaman ng hiwaga ng Diyos, na si Cristo,

na sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman.

Ito'y sinasabi ko upang huwag kayong madaya ng sinuman sa mga pananalitang kaakit-akit.

Sapagkat bagaman ako'y wala sa katawan, gayunma'y nasa inyo ako sa espiritu, at nagagalak na makita ko ang inyong kaayusan, at ang katatagan ng inyong pananampalataya kay Cristo.

Kapuspusan ng Buhay kay Cristo

Kaya't kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay lumakad kayong gayon sa kanya,

na nakaugat at nakatayo sa kanya, at matibay sa pananampalataya, gaya ng itinuro sa inyo, na sumasagana sa pasasalamat.

Kayo'y mag-ingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga simulain ng sanlibutan, at hindi ayon kay Cristo.

Sapagkat sa kanya'y naninirahan ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos sa katawan,

10 at kayo'y napuspos sa kanya, na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan.

11 Sa kanya ay tinuli rin kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pamamagitan ng paghuhubad ng katawang laman sa pagtutuli ni Cristo;

12 nang(A) ilibing kayong kasama niya sa bautismo, kayo rin ay muling binuhay na kasama niya sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na muling bumuhay sa kanya mula sa mga patay.

13 At(B) kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan at sa di-pagtutuli ng inyong laman ay kanyang binuhay kayong kasama niya, nang ipinatawad niya sa inyo ang lahat ng mga kasalanan,

14 na(C) pinawi ang sulat-kamay[a] na laban sa atin na nasa mga tuntuning salungat sa atin, at ito'y kanyang inalis at ipinako sa krus.

15 Inalisan niya ng sandata ang mga pinuno at ang mga may kapangyarihan at sila'y ginawa niyang hayag sa madla, na nagtatagumpay sa kanila sa pamamagitan nito.

16 Kaya't(D) ang sinuman ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain at inumin, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o mga araw ng Sabbath,

17 na ang mga ito ay isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katawan ay kay Cristo.

18 Huwag ninyong hayaan na agawan kayo ng gantimpala sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na pinanghahawakan ang mga bagay na kanyang nakita, na nagyayabang nang walang dahilan sa pamamagitan ng kanyang makalamang pag-iisip,

19 at(E) hindi kumakapit sa Ulo, na sa kanya'y ang buong katawan, na tinutustusan at pinagsasanib sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid ay lumalago ng paglagong mula sa Diyos.

Babala Laban sa Maling Turo

20 Kung kayo'y namatay na kasama ni Cristo mula sa mga simulain ng sanlibutan, bakit kayo'y nabubuhay na parang nasa sanlibutan pa rin? Bakit kayo'y nagpapasakop sa mga alituntuning,

21 “Huwag humipo, huwag tumikim, huwag humawak”?

22 Ang lahat ng mga alituntuning ito ay masisira sa paggamit, palibhasa'y mga utos at mga aral lamang ng mga tao.

23 Ang mga bagay na ito'y mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang ayon sa sariling kagustuhan, sa pagpapakababa, at sa pagpapahirap sa katawan, ngunit wala silang kabuluhan laban sa kalayawan ng laman.

Footnotes

  1. Colosas 2:14 o talaan ng pagkakautang .

Nais ko ngang malaman ninyo kung gaano katinding laban ang pinagdaraanan ko para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin nang mukhaan. Ito'y upang lumakas ang kanilang loob, at mabuklod sila sa pag-ibig, nang sa gayon ay makamtan nila ang lahat ng mga kayamanan na nagmumula sa buong katiyakan ng pagkaunawa, upang kanilang makilala ang hiwaga ng Diyos, samakatuwid ay si Cristo. Sa kanya nakatago ang lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman. Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ng sinuman sa pamamagitan ng mga nakabibighaning pangangatuwiran. Bagama't sa katawan ay wala ako riyan, sa espiritu naman ay kasama ninyo ako, at nagagalak na pagmasdang kayo'y namumuhay nang maayos, at matatag sa inyong pananampalataya kay Cristo.

Mamuhay ayon kay Cristo

Kaya't yamang tinanggap ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, patuloy kayong mamuhay ayon sa kanya, na nakaugat at nakatayo dahil sa kanya, matatag sa pananampalataya, kung paanong kayo'y tinuruan, at nag-uumapaw sa pasasalamat. Mag-ingat kayo upang huwag kayong maging bihag ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, batay sa tradisyon ng mga tao, batay sa mga mapamahiing aral ng sanlibutan, at hindi batay kay Cristo. Sapagkat sa kanya ay naninirahan ang kabuuan ng kalikasan ng pagka-Diyos sa anyong katawan. 10 At kayo'y ginawang buung-buo dahil sa pakikipag-isa ninyo na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at pamamahala. 11 Sa kanya ay nakaranas kayo ng pagtutuling hindi ginamitan ng mga kamay, sa pamamagitan ng pagwawaksi sa makasalanang hilig ng laman, sa pagtutuling ayon kay Cristo. 12 Yamang (A) inilibing kayong kasama niya sa bautismo, kayo'y muling binuhay na kasama niya sa bisa ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan. 13 At noong (B) kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at kayo'y nasa di-pagtutuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya. Pinatawad niya tayo sa lahat ng ating mga pagsuway, 14 matapos pawiin ang nakasulat na katibayan laban sa atin na naglalaman ng ating pagkakautang. Pinawalang-bisa niya ito, matapos niyang ipako sa krus. 15 At matapos niyang tanggalan ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga pamamahala, sila'y inilantad niya sa madla upang ipakita ang kanyang pagwawagi laban sa kanila sa pamamagitan ng krus.

16 Kaya't (C) huwag ninyong hayaan ang sinuman na kayo'y hatulan sa mga bagay na may kinalaman sa pagkain at inumin, o sa kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabbath. 17 Ang mga ito ay anino lamang ng mga bagay na darating, ngunit ang totoong bagay ay kay Cristo. 18 Huwag ninyong hayaang mawalan kayo ng gantimpala sa pamamagitan ng huwad na pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel. Pinanghahawakan ng gayong tao ang mga bagay na diumano'y kanyang nakita at nagmamalaki nang walang kadahilanan bunga ng kanyang makamundong pag-iisip. 19 Ang taong iyon ay hindi (D) nakaugnay kay Cristo, na siyang Ulo, na mula sa kanya ang buong katawan, na tinutustusan at pinagsasama-sama sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalaking paglagong naaayon sa Diyos.

Babala Laban sa Maling Turo

20 Kung kayo'y namatay kasama ni Cristo mula sa mga pamahiing aral ng sanlibutan, bakit nabubuhay pa kayo na parang saklaw pa rin ng sanlibutan? Bakit nagpapasakop kayo sa mga tuntuning, 21 “Bawal humipo, bawal tumikim, bawal humawak”? 22 Ang mga ito'y may kinalaman sa lahat ng mga bagay na nasisira pagkatapos gamitin. Ang mga ito'y mga utos ayon sa aral na nagmula sa mga tao. 23 Ang mga ito'y mayroong anyo ng karunungan na nakaugnay sa pagsambang itinakda ng sariling kagustuhan, sa pagpapakababa, at sa pagpapahirap sa katawan, ngunit wala namang halaga sa pagsupil sa hilig ng laman.

Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa (A)Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman;

Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa (B)lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila (C)ang hiwaga ng (D)Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,

Na siyang (E)kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.

Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.

Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo.

Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,

Na nangauugat (F)at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.

Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa (G)sali'tsaling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:

Sapagka't (H)sa kaniya'y nananahan ang buong (I)kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,

10 At sa kaniya (J)kayo'y napuspus (K)na siyang pangulo ng lahat na (L)pamunuan at kapangyarihan:

11 Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling (M)hindi gawa ng mga kamay, (N)sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo;

12 Na nangalibing na (O)kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y (P)muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.

13 At (Q)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:

14 Na pinawi (R)ang usapang (S)nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;

15 (T)Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila (U)sa bagay na ito.

16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo (V)tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol (W)sa kapistahan, o (X)bagong buwan o araw ng sabbath:

17 Na (Y)isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't (Z)ang katawan ay kay Cristo.

18 Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,

19 At hindi nangangapit sa (AA)Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.

20 (AB)Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa (AC)mga pasimulang aral ng sanglibutan, (AD)bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan,

21 Gaya ng: (AE)Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo

22 (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao?

23 Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa (AF)pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.

I want you to know how hard I am contending(A) for you and for those at Laodicea,(B) and for all who have not met me personally. My goal is that they may be encouraged in heart(C) and united in love, so that they may have the full riches of complete understanding, in order that they may know the mystery(D) of God, namely, Christ, in whom are hidden all the treasures of wisdom and knowledge.(E) I tell you this so that no one may deceive you by fine-sounding arguments.(F) For though I am absent from you in body, I am present with you in spirit(G) and delight to see how disciplined(H) you are and how firm(I) your faith in Christ(J) is.

Spiritual Fullness in Christ

So then, just as you received Christ Jesus as Lord,(K) continue to live your lives in him, rooted(L) and built up in him, strengthened in the faith as you were taught,(M) and overflowing with thankfulness.

See to it that no one takes you captive through hollow and deceptive philosophy,(N) which depends on human tradition and the elemental spiritual forces[a] of this world(O) rather than on Christ.

For in Christ all the fullness(P) of the Deity lives in bodily form, 10 and in Christ you have been brought to fullness. He is the head(Q) over every power and authority.(R) 11 In him you were also circumcised(S) with a circumcision not performed by human hands. Your whole self ruled by the flesh[b](T) was put off when you were circumcised by[c] Christ, 12 having been buried with him in baptism,(U) in which you were also raised with him(V) through your faith in the working of God, who raised him from the dead.(W)

13 When you were dead in your sins(X) and in the uncircumcision of your flesh, God made you[d] alive(Y) with Christ. He forgave us all our sins,(Z) 14 having canceled the charge of our legal indebtedness,(AA) which stood against us and condemned us; he has taken it away, nailing it to the cross.(AB) 15 And having disarmed the powers and authorities,(AC) he made a public spectacle of them, triumphing over them(AD) by the cross.[e]

Freedom From Human Rules

16 Therefore do not let anyone judge you(AE) by what you eat or drink,(AF) or with regard to a religious festival,(AG) a New Moon celebration(AH) or a Sabbath day.(AI) 17 These are a shadow of the things that were to come;(AJ) the reality, however, is found in Christ. 18 Do not let anyone who delights in false humility(AK) and the worship of angels disqualify you.(AL) Such a person also goes into great detail about what they have seen; they are puffed up with idle notions by their unspiritual mind. 19 They have lost connection with the head,(AM) from whom the whole body,(AN) supported and held together by its ligaments and sinews, grows as God causes it to grow.(AO)

20 Since you died with Christ(AP) to the elemental spiritual forces of this world,(AQ) why, as though you still belonged to the world, do you submit to its rules:(AR) 21 “Do not handle! Do not taste! Do not touch!”? 22 These rules, which have to do with things that are all destined to perish(AS) with use, are based on merely human commands and teachings.(AT) 23 Such regulations indeed have an appearance of wisdom, with their self-imposed worship, their false humility(AU) and their harsh treatment of the body, but they lack any value in restraining sensual indulgence.

Footnotes

  1. Colossians 2:8 Or the basic principles; also in verse 20
  2. Colossians 2:11 In contexts like this, the Greek word for flesh (sarx) refers to the sinful state of human beings, often presented as a power in opposition to the Spirit; also in verse 13.
  3. Colossians 2:11 Or put off in the circumcision of
  4. Colossians 2:13 Some manuscripts us
  5. Colossians 2:15 Or them in him