Add parallel Print Page Options

12 Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay mulingbinuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.

13 Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14 Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus.

Read full chapter

12 Yamang (A) inilibing kayong kasama niya sa bautismo, kayo'y muling binuhay na kasama niya sa bisa ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan. 13 At noong (B) kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at kayo'y nasa di-pagtutuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya. Pinatawad niya tayo sa lahat ng ating mga pagsuway, 14 matapos pawiin ang nakasulat na katibayan laban sa atin na naglalaman ng ating pagkakautang. Pinawalang-bisa niya ito, matapos niyang ipako sa krus.

Read full chapter