Colosas 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin tungo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 (A) Sa kanya ay mayroon tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.[a]
Si Cristo, Ang Pangunahin sa Lahat
15 Siya ang larawan ng Diyos na di-nakikita, ang pangunahin sa lahat ng mga nilikha;
Read full chapterFootnotes
- Colosas 1:14 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Colosas 1:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (A)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (B)siya ang larawan ng (C)Dios na di nakikita, (D)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
Read full chapter
Colosas 1:13-15
Ang Dating Biblia (1905)
13 Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
Read full chapter
Colosas 1:13-15
Ang Salita ng Diyos
13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapamahalaan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang pinakamamahal na Anak. 14 Sa kaniya ay mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan.
Si Cristo ang Pangulo ng Lahat ng Bagay
15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
