Colosas 1:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
13 Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. 14 At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.
Ang Kadakilaan ni Cristo
15 Si Cristo ang larawan ng di-nakikitang Dios, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.
Read full chapter
Colosas 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapangyarihan ng kadiliman at naglipat sa atin tungo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 (A) Sa kanya ay mayroon tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.[a]
Si Cristo, Ang Pangunahin sa Lahat
15 Siya ang larawan ng Diyos na di-nakikita, ang pangunahin sa lahat ng mga nilikha;
Read full chapterFootnotes
- Colosas 1:14 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Colosas 1:13-15
Ang Biblia (1978)
13 Na siyang nagligtas sa atin sa (A)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
15 Na (B)siya ang larawan ng (C)Dios na di nakikita, (D)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
Read full chapter
歌罗西书 1:13-15
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
13 祂把我们从黑暗的权势下拯救出来,带进祂爱子的国度里。 14 我们借着祂的爱子蒙救赎,罪过得到赦免。
基督超越一切
15 基督是那不能看见之上帝的真像,超越[a]一切受造之物。
Read full chapterFootnotes
- 1:15 “超越”或译“先存于”,希腊文是“长子”,常用来指地位上的优越或时间上的优先。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
