Add parallel Print Page Options

Jerusalem, tumayo ka at umakyat sa mataas na burol.
    Tumingin ka sa silangan at tanawin mo
ang iyong mga anak na sa isang tawag lamang ng banal na Diyos ay natitipon mula sa silangan hanggang sa kanluran.
    Nagagalak sila sapagkat hindi sila kinalimutan ng Diyos.
Pilit silang inagaw sa iyo at kinaladkad palayo,
ngunit ngayo'y ibinabalik sa iyo
    na sakay sa kaluwalhatiang wari'y nakaupo sa maharlikang trono.
Iniutos ng Diyos na patagin ang matataas na bundok at walang hanggang burol,
    at tambakan ang mga libis
    upang panatag na makabalik ang bayang Israel na puspos ng kaluwalhatian ng Diyos.

Read full chapter