Awit ni Solomon 4:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ang labi mo'y pulang-pula katulad ng escarlata,
kapag ika'y nangungusap lalo itong gumaganda,
aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula.
4 Ang leeg mo'y ubod kinis, may kuwintas na kay inam,
parang tore ni David, na ligid ng mga kawal.
5 Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo,
masayang kumakain sa gitna ng mga liryo.
Awit ng mga Awit 4:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
(A)Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng (B)granada.
Sa likod ng iyong lambong.
4 Ang iyong leeg ay (C)gaya ng moog ni David
Na itinayo na pinaka sakbatan,
Na kinabibitinan ng (D)libong kalasag,
Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.
5 (E)Ang iyong dalawang suso ay (F)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal ng isang inahin,
Na (G)nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.
Awit ng mga Awit 4:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
at ang iyong bibig ay kahali-halina.
Ang iyong mga pisngi ay gaya ng kalahati ng granada,
sa likod ng iyong talukbong.
4 Ang iyong leeg ay gaya ng tore ni David,
na itinayo upang pagtaguan ng mga sandata,
na kinabibitinan ng libong kalasag,
na ang lahat ay mga kalasag ng mga mandirigma.
5 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa
na mga kambal ng isang inahing usa,
na nanginginain sa gitna ng mga liryo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
